Home Blog Page 402

Ogie Diaz balak kasuhan ang empleyado ng isang telecom company na gustong ipa-gah*sa si Liza Soberano

Nagbabalak ng magsampa ng kaso ang kampo ni Ogie Diaz laban sa isang empleyado ng isang kilalang telecommunication company dahil sa isang komento nito sa isa sa kanyang mga talent na si Liza Soberano.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Diaz na may kausap na silang mga abogado upang malaman kung anong maari nilang gawing aksyon laban sa nasabing netizen.

“Pinag-uusapan na namin ng lawyer niya. Meron kaming law firm na inatasan namin na to look into this matter kung anong legal na action ang pwede naming gawin,” ani Diaz.

Matatandaan na naging viral si Soberano sa social media matapos niyang magpalit ng internet provider.

Hati ang reaksyon ng mga netizen sa mga tweet ni Soberano, at hindi lahat ay nagustuhan ang kanyang desisyon.

Isa si Melissa Olaes sa mga netizen na nagbigay ng komento tungkol kay Soberano at hindi lahat ay nagustuhan ang kanyang sinabi dahil tila parang gusto nitong may mangyaring masama sa kapamilya star.

“Wala tayong magagawa, wala ng trabaho kaya di bale ng masira ang image magkapera lang. Sarap ipa-r*pe sa mga….. ewan!” ani Olaes.

Kalaunan ay nadiskubre na si Olaes ay isa sa mga empleyado ng dating internet provider ni Soberano.

Humingi naman ng tawad ang nasabing netizen sa kanyang mga nagawa.

“Nauunawaan ko po kayong lahat… hindi maganda at karapat dapat na gawing biro ang salitang R*PE. Isa itong sensitibong isyu na dapat ay pinag-isipan kong mabuti bago ko naikomento kahit ba ito para sa akin ay walang halong malisya – random thought sa isang pribadong usapan. Ang salitang R*PE ay hindi dapat ginagawang biro dahil sa kaakibat nitong social, political and cultural impact. Naging insensitive ako at nawalan ng tamang judgment. Dahil dito, ako ay humihingi ako ng pauanhin sa lahat ng nasaktan sa isang maling biro na nasabi ko,” ani Olaes.

“Ang akin pong kumpanya, ay walang kinalaman sa aking facebook activities dahil ito po ay personal kong pag-aari. Ipinaparating ko rin ang aking paghingi ng paumanhin sa aking kumpanya dahil sa naging epekto nito sa kanilang imahe,” dagdag pa niya.

Kahit na nagbigay na ito ng public apology ay tuloy parin sila Diaz sa pag konsulta sa kanilang mga abogado upang mabigyan ng hustisya ang aktres.

Sec. Salvador Panelo may banat kay VP Leni Robredo: “Wala ka naman kasing ginawa kung ‘di magreklamo”

Binanatan ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo si Vice President Leni Robredo dahil sa puro nalang daw ito reklamo imbis na makipagtulungan sa gobyerno.

Sa kanyang programang “counterpoint” ay sinabi ni Panelo na hahanga sana siya kay Robredo kung nakikipagtulungan ang pangalawang pangulo sa mga ginagawa ng gobyerno upang labanan ang mga problema ng bansa.

Sinabi rin ni Panelo na ang mga ibinibigay na solusyon ni Robredo ay matagal ng ginagawa ng gobyerno.

“Wala ka naman kasing ginawa kung ‘di magreklamo naman e. Tapos, nagbibigay ka ng mga mungkahi, ‘e ‘yun namang mga mungkahi mo e, matagal nang ginagawa, at ginagawa at palagiang ginagawa,” saad ni Panelo.

“Ang problema kasi VP Leni, if you make suggestions like that, measures that are being done by the government or already done, e ang lumabas ay sinisiraan mo ang gobyerno pinalalabas mo na walang ginagawa, yan ang problema,” dagdag pa niya.

Naniniwala si Panelo na tama ang mungkahi ni Pangulong Duterte na sundin nalang ang mga health protocols na ipinapatupad ng gobyerno habang naghihintay sa bakuna.

Pinaalalahan muli ng kalihim si Robredo na huwag ng dagdagan pa ang problema ng bansa sa pamamagitan ng pagbibigay niya ng mga mensaheng hindi naman pinag isipan ng mabuti.

White sand sa Manila Bay inaanod na daw paunti unti ayon sa ilang litrato

Nababahala ang ilang netizen matapos kumalat ang ilang larawan na nagpapakita na tila tinatangay na ng dagat ang mga artificial white sand na inilagay sa Manila Bay.

Ang artificial white sand na itinambak sa Manila Bay sa ilalim ng proyekto ng Department of Environment and National Resources ay gawa sa dinurog na dolomite.

Sa isang Facebook post, ipinakita ng page na Madam Aguida & Sarkastiko Tasyo ang mga litrato na kuha diumano sa Manila Bay.

Umabot ng libo libong reaksyon at shares ang mga nasabing litrato at umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen.

May ilang nag alala at may ilan namang natuwa dahil sa tila ay tama sila sa kanilang kutob sa kahihinatnan ng mga itinambak na white sand.

Maalala na sinabi na ng DENR na hindi nila hahayaang tangayin ng dagat ang artificial white sand.

“We will do our best na talagang gawing effective lahat yan and at the same time i-reinforce pa yan,” ani DENR Undersecretary Benny Antiporda.

Ayon sa kanya ay maglalagay sila ng mga “geotextile tubes” upang maprotektahan ang white sand sa posibleng pagkatangay nito.

Ngunit umamin siya na maari paring maapektuhan ang white sand project kung sakaling may dumating na kalamidad katulad ng bagyo.

 

Netizen answers Robredo’s question to Duterte: ” Kung magpapakitang gilas rin lang, galing galingan na”

A netizen answered Vice President Leni Robredo’s response to President Rodrigo Duterte.

During a cabinet meeting yesterday, Duterte couldn’t stop himself from criticizing Robredo and even challenged her to spray pesticides to the whole country if she really wanted to end the crisis without waiting for a vaccine.

“Etong si Leni kung ano ano pinagsasabi, alam mo Leni kung gusto mo if you really want sprayan natin itong Pilipinas o Manila ng pesticide galing sa eroplano para p*tay lahat,” sabi ni Duterte.

Robredo quickly made a response on social media and cited four possible solutions for the government to fight the pandemic.

Netizen MJ Quiambao Reyes then made a Facebook post to counter Robredo’s post, saying that what the Vice President was suggested has been already being done by the government.

“1. Nabasa o nauunawaan n’yo po kaya ang 4 na puntos na binanggit n’yo sa baba? Kasi malinaw sa amin na ang lahat ng yan ay matagal ng nasimulan at patuloy na ginagawa ng gobyerno. Kayo na lang po yata at ng iilan n’yong kasamahan ang hindi pa nakakaalam.” Quiambao said.

“2. Hindi dahil ospital, kama, at bakuna lang ang nabanggit ng Pangulo ngayon ay yung lang ang ginawa at wala ng iba pa.” she added.

“3. Hindi tama na ang mga bagay na nasabi na ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno at mga bagay na nagawa na o ginagawa na nila ay palabasin nyo na hindi pa nagagawa dahil lang sa hindi nabanggit kanina o hindi lang inuulit ulit ng Pangulo.” she also said.

She then suggested to Robredo to coordinate with the government agencies so she would be informed about the actions made by the current administration to address the pandemic.

“Basa basa rin po, Mem, pag may time para di ka po outdated. Mas maganda siguro na makipag ugnayan at maki-pagtulungan sa gobyernong inyong kinabibilangan. Wag naman puro na lang puna at tuligsa. At kung magbibigay po sana kayo ng suhestiyon ay yun naman po’ng bago–hindi yung nagawa na o kasalukuyan ng ginagawa,” she said.

“Also, we had enough of those broad, general, & motherhood statements fr you. Kung magpapakitang gilas rin lang, galing galingan na and be more specific. Lay out some measurable, do-able, detailed plan outlining actions/activities along with estimated costs & schedule. Ganern! For once, Mem, bigyan nyo po kami ng pagkakataong matuwa sa inyo sa halip na matawa o mabahala.” she added.

The post of Quiambao reached 4,000 reactions and 343 shares on social media.

Xyriel Manabat slams netizen who made “kaya ka nababastos” remark to her

Xyriel Manabat defended herself from the critics who are defending the disrespectful comments against her.

Yesterday, Manabat has gone viral on social media after her latest pics wearing a simple t-shirt has been circulated on social media.

Manabat who started her career as a child actress in 2009 in ABS-CBN addressed the public yesterday, saying that she’s not being flattered by the comments she gained from the netizens who noticed her body change.

“Hindi po ako napa-flatter sa ibang comments, kasi ‘yung iba po below the belt. Sana po alam nila na aware po ang tao na s*xual h*r*ssment is never, never okay. Hindi po siya fine,” she said.

“Sa mga nakaka-experience po lalo na po kapag minor, siyempre hindi naman po sila sanay sa ganoon. Minor man, girls, boys, anumang age, anumang gender or anuman ang suot sana po walang ganoon. Never po siyang nakakatulong. Lalo na po sa ganitong may pandemic na marami pong pinagdadaanan na mental health na problems. Huwag na pong sumabay. Respect na lang po,” she added.

She then replied to one netizen who blamed her for the disrepectful comments she received.

“Kaya po pala may mga nambabatos may mga nangungunsinti po na ang biktima ang mag aadjust hindi ang utak manyak ng mga bastos. God bless po praying for you to be enlightened po and stop victim blaming po,” she told the netizen.

Yesterday, Manabat also questioned why Instagram removed her photo because it’s against the “community guidelines” of the said social media platform.

The photo has now restored on her profile.

Ethel Booba may banat sa mga kritiko ng Manila Bay: “Buti pa mga ibon at hayop masaya sa nangyayari”

Binanatan ng komedyante at vlogger na si Ethel Booba ang mga kritiko ng Manila Bay rehabilitation project.

Matatandaan na inulan ng batikos ang kontrobersiyal na proyekto ng gobyerno dahil sa paglalagay nito ng artificial white sand na gawa sa dinurog na dolomite sa nasabing tourist spot.

Isa si Ethel sa mga nagtanggol sa nasabing proyekto at ipinakita pa nito kung paano binista ng mga ibon ang artificial beach para magpahinga.

Ayon sa kanya ay ang mga ibon at iba pang hayop na napadpad sa artificial beach ng Manila Bay ay tila masaya, malayong malayo sa reaksyon ng mga kritiko ng gobyerno na hanggang ngayon ay binabatikos ang proyekto.

“O buti pa mga ibon hayop sila mukhang masaya sa nangyayari. Eh etong mga ewan bat parang di masaya eh asal hayop din naman sila. Ano masasabi nyo mga bashers for hire. Happy?” ani Booba.

Binanatan din nito si Vice President Leni Robredo at hinamon pa ito na ihanda ang kanyang depensa sa mga banat ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kahapon ay binatikos ng Pangulo si Robredo dahil narin sa pagiging aktibo nito sa pagkwestiyon sa mga prayoridad ng gobyerno katulad ng pagpapaganda sa Manila Bay.

“Wala nang pa tumpik tumpik. Ano masasabi nyo rito dilawan. At madam leni. Ihanda ang suhestyon at depensa. Iba ang nagmamagaling sa may alam? Happy?” ani Booba.

Akala noon ng marami ay isa rin sa mga kritiko ng gobyerno si Ethel Booba ngunit ilang buwan na ang nakakaraan ay sinabi niyang may gumagamit lang ng pangalan niya sa social media.

 

President Duterte dinepensahan ang white sand sa Manila Bay: “May gawin ako o wala may masasabi parin si Leni”

Natawa nalang si Pangulong Rodrigo Duterte habang nagsasalita siya tungkol sa kanyang mga kritiko, kasama na dito si Vice President Leni Robredo.

Sa isang cabinet meeting sinabi ni Pangulong Duterte na tagumpay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pangunguna ni Secretary Roy Cimatu sa paglilinis ng Manila Bay.

Ngunit hindi rin naitago ni Pangulong Duterte na banatan ang mga kritiko ng nasabing proyekto na binatikos dahil daw pinagpatuloy pa raw ito kahit na panahon na ng krisis.

“Wala talaga tayong magawa, you do it may masabi sila, you do not do it may masabi si Leni (Robredo) what do you want us to do?” ani Duterte.

“Ang problema kasi nito, ‘yung magsabi we are doing enough, what can we do with the germs that’s flying around?” dagdag pa niya.

Ayon kay Pangulong Duterte ay hindi naman pwedeng gumamit sila ng spray upang mawala na ang kumakalat na virus sa bansa.

Humanga naman si Pangulong Duterte kay Cimatu dahil tinupad nito ang kanyang pangako na linisin ang Manila Bay.

Binanatan ulit ni Pangulong Duterte sa puntong iyon ang mga ‘dilawan’ at sinabing kahit anong gawin nito ay masama parin ang ginagawa niya sa mata nila.

“We have done our best, we responded to the medical needs of the [Filipinos],” saad ng Pangulo.

Hinamon naman ni Duterte si Robredo na i-spray ang buong Pilipinas kung gusto na talaga niyang matapos ang pagkalat ng virus sa bansa.

“Etong si Leni kung ano ano pinagsasabi, alam mo Leni kung gusto mo if you really want sprayan natin itong Pilipinas o Manila ng pesticide galing sa eroplano para p*tay lahat,” sabi ni Duterte.

Hinimok ni Pangulong Duterte na tigilan na ng mga kritiko ang pagpapalaki ng problema at sabihin na hindi sapat ang ginagawa ng gobyerno.

Noong weekend ay binuksan sa publiko ang Manila bay upang makita ng mga tao ang white sand.

Matatandaan na binatikos ng ilang grupo kasama na si VP Robredo ang kontrobersiyal na 28-M Manila white sand project.

Ayon sa kanila ay marami sanang mapapakain na Pilipino ang pera na ginamit para pambili ng artificial white sand na gawa sa dolomite.

Sinabi naman ni Robredo sa isang panayam na karapatan naman niya na batikusin ang gobyerno.

“Kahit hindi ako VP, kahit ordinaryong mamamayan lang ako may karapatan akong ipahayag ‘yung aking mga mungkahi. May karapatan akong mag-criticize if I need to criticize, kasi ‘yun ‘yung demands ng pagiging Filipino ko. And demands sa akin as a Filipino ay maging bahagi, maging bahagi ako sa nation building,”  ani Robredo.

He should step down! Winnie Monsod to President Duterte: “Allow Leni Robredo to take over”

Economist, columnist and TV host Winnie Monsod slammed the performance of the administration of President Rodrigo Duterte in handling the crisis in the Philippines.

In her latest Inquirer.net column, Monsod said that President Duterte should “apologize to the people” because of the incompetence of the government.

“This government has not done as good a job as any other, and I am outraged that as a result, we have allowed so many of our middle and lower economic class Filipinos to suffer,” Monsod said.

Monsod said that Duterte should resign even if he’s healthy and let Vice President Leni Robredo lead the government.

She believed that Robredo would solve the problem of the country better than Duterte who’s now in his fourth term as President.

“In fact, whether he is sick or not, I think he should step down, and allow Vice President Leni Robredo to take over. Then we will have a better chance of getting over the health and economic crisis that this administration has exacerbated,” she said.

At the end of her column, Monsod said that government incompetence was caused by prioritizing to close down ABS-CBN and passing the anti-terror bill.

“Who suffers for this? Let me remind you, Reader. It is the middle class and the poor. That’s at least 90 percent of our population,” she stated.

Last year, President Duterte himself slammed Winnie Monsod after the latter praised him in his efforts to fight poverty.

“Aren’t you surprised with that column? Aren’t you surprised this columnist is heaping praise on the President? From the time this President assumed office, she has not said any good word, and then suddenly there is praising. There must be some reason. is she laying a predicate?” said Salvador Panelo who’s the former presidential spokesperson.

“Anyway, the President asked me to give his response to this columnist. He said, ‘Tell her, I hate being patronized. FU’,” he added.

Source: [1]

Mariel Rodriguez and Robin Padilla slams critics of Manila Bay rehab: “Ngayong pinaganda, ngayon sila nag reklamo”

Mariel Rodriguez and her husband Robin Padilla defended the controversial Manila Bay rehabilitation project of the government.

On Monday, Padilla who’s a known celebrity supporter of President Duterte defended the government’s decision to push thru the project despite the crisis happening in the country.

In his Instagram post, Padilla cited the Supreme Court decision in 2008 ordering the government to clean up Manila Bay.

“Bilang taxpayer, pipiliin ko na ang white sand kesa basura. Yun dolomite maaring pagtalunan pero yun basura 1million percent masama sa Inangkalikasan, sa ating kalusugan at sa lahat ng bagay. Wag naman nating ipagdamot sa ating mga kababayan na walang kakayahan makaranas ng boracay sa manila bay,” Padilla said.

“Free Relaxation and family bonding ay mental, emotional and physical Theraphy. Every Filipino deserves a swim, a sunrise and sunset by the beach,” he added.

His wife, Mariel Rodriguez then made a comment to Padilla’s post, criticizing the people opposing the project, asking why they only decided to be noisy now that the government was making efforts to clean Manila Bay.

“Nung puro basura walang nagrereklamo ngayon na pinaganda… can you believe it? Ngayon sila nag reklamo? Ang hindi ko maintindihan is lagi natin hinahanap kung saan napunta ang tax na binabayad natin.. ayan oh.. atleast yan nakikita natin diba. Tapos mah complain parin?” Rodriguez said.

Last weekend, the Department of Environment and Natural Resources opened Manila Bay to the public to showcase the beauty of the artificial white sand they put in the shore of the tourist spot.

The said white sand was made of crushed dolomite mined from Cebu province.

However, the 28-M peso project was criticized by some groups, questioning the safety of dolomite to the health of the people and the timing of the project.

Even Vice President Leni Robredo said that the government could feed many families using the money used for the project.

Netizens nasupresa sa sagot ni Ruby Rodriguez kung bakit hindi na siya napapanood sa Eat Bulaga

Ikinagulat ng mga netizen kung bakit tila nawala si Ruby Rodriguez sa noontime show na Eat Bulaga.

Parte na si Ruby ng Eat Bulaga family simula pa noong 1991 at hindi naman maikakailang marami na ang napatawa ng komedyante sa halos tatlong dekada niyang career.

Ngunit simula ng pandemya ay hindi na nakita muli si Ruby sa Eat Bulaga na nasa America ngayon kasama ang kanyang pamilya.

May ilang fans tuloy na hindi napigilan magtanong sa kanya kung kailan ulit siya babalik sa Eat Bulaga, ngunit tila nagbigay pa lalo ng maraming tanong ang kanyang kasagutan.

“I miss you in Eat Bulaga Ms.Rubs. Babalik ka pa ba? Sina Pia, Ryan, Allan K, ryzza Mae nakaka pitch in pero ikaw Wala! Bat Ganon?” tanong ng isang fan.

“Sila tanungin mo,” sagot ni Ruby.

Akala tuloy ng mga netizen ay may problema si Ruby at ang management ng Eat Bulaga dahil narin sa kanyang sagot.

Pero hindi naman nilinaw ni Ruby kung bakit ganon ang naging kanyang sagot sa kanyang fan.

Hindi rin nagbigay ng pahayag ang management ng Eat Bulaga kung bakit hindi napapanood si Ruby ngayon sa kanilang palabas.

Ilang buwan na ang nakakaraan ay nagdalamhati si Ruby dahil sa pag panaw ng kanyang kapatid.

Isinugod din ang komedyante sa ospital dahil sa kanyang karamdaman sa tiyan at dumaan din ito sa isang operasyon.