Home Blog Page 394

Pulis matulis? Miyembro ng SAF na itinampok sa KMJS, inakusahan ng pagiging babaero

Marami ang kinilig matapos itampok ng Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) ang mala-Koreanovela na istorya nila Richelle Amorcilla at Patrolman Joebert Lacea noong nakaraang linggo.

Ngunit tila madami ang tumaas ang kilay ng mapag alaman na si Lacea pala, na isang miyembro ng PNP Special Action Forces (SAF) ay madami ng naging nobya.

Sa post ng Samahan ng Aasawa at Girlfriend ng Pulis ay ipinakita nila ang litrato ng dating kasintahan ni Lacea na isa ring pulis.

Ayon sa post ay sabay palang nangarap si Lacea at ang kanyang kasinatahan sa loob ng anim na taon.

Natapos ang kanilang relasyon ngayon lamang taon na ito.

“I believe that everything happens for a reason because everything in my life, all the good and the bad, has led me right to you. And you are my reason for being so happy. Thank you for being so supportive be. Thank you for being a big part of my life. We’ve been so many trials but you never failed to understand and support me.Happy 6th Anniversary be, more years and blessings to come! I love you so much be. Can’t wait to see you so soon,” saad ng dating kasintahan ni Lacea.

Ipinakita din ng nasabing page ang litrato ni Lacea kasama si Amorcilla, matapos silang magkita pagkalipas ng dalawang buwan.

“At SA wakas .NAGKITA NARIN TAYO. Si lord na kusa gumawa Ng paraan para mag Kita tayo. Thank you Lord kumpleto na aTung monthsary . ILOVEYOU,” ani Lacea.

Samantala, na isyu rin pala ang nasabing SAF sa isa pang babae na nagngangalang Angelyn Villanueva.

Sa nasabing mga litratong ipinakita ng netizen na si Princess Lynn, ay makikita ang mga sweet moments sa pagitan ni Villanueva at Lacea.

“MYloves” pa ang tawagan ng dalawa na napabalitang nagkaroon ng relasyon mula Mayo hanggang Hulyo.

Ngunit paliwanag naman ni Villanueva ay “Mutual Understanding” lang daw ang nangyari sa pagitan nilang dalawa.

“Buti nalang hindi natuloy lovestory namin kasi may mas deserving at mas malapit pa sa kanya,” saad ni Villanueva.

Halo ang reaksyon ng mga netizen sa isyung kinaharap ni Lacea.

May ilang nagalit, pero may ilan din namang dinepensahan ang pulis.

Ayon sa kanyang mga taga suporta ay hindi naman pinagsabay sabay ni Lacea ang mga nasabing babae.

Pia Wurtzbach defends LGBT rights after Duterte’s pardon to Pemberton: “Make sure we register to vote for the next elections!”

Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach urged the netizens to register as a voter after President Rodrigo Duterte granted an absolute pardon to US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Pemberton was convicted for slaying Filipina transgender Jennifer Laude in 2014.

Wurtzbachk who’s a known LGBT defender made a series of tweets after Duterte made the said controversial decision.

In her tweets, she encouraged Twitter users to register for the 2022 elections.

“Tuwing nagbabasa ako ng balita, palagi nalang palala ng palala yung mga nababasa ko. Ngayon ito naman? Hay… Eto nalang, let’s all make sure we register to vote for the next elections. Each one of us,” said Wurtzbach.

Twitter is known as the stronghold of the opposition supporters.

According to her, it’s not enough that they’re only being heard on social media.

“I will continue reminding everyone to register to vote. Dahil sigurado, maraming magpapabukas nito until the last minute. No more excuses (even for me) lahat tayo dapat registered na. Hindi enough na sa social media lang tayo naririnig,” she said.

“Okay. Signing off for tonight. Baka macarried away pa ko sa mga susunod kong sasabihin.. pero yun na. I know I dont use twitter much and I probably dont have a lot of active followers here anymore. But pls for those who can read this. Please mag register tayo ha,” she also said.

The beauty queen is currently enjoying her vacation in another country amid the current situation of the Philippines.

Yesterday, President Duterte defended his decision to grant pardon to Pemberton, saying that the Philippines didn’t fairly treat the US soldier.

“It is not the fault of Pemberton na hindi na na-compute because we should allow him, the good character presumption kasi wala namang nagreport na Marines na nagsabi na nagwawala siya,” Duterte said.

“So sabi ko kay Justice Secretary, Medialdea, pinatawag ko sila kanina, sabi ko it’s my decision to pardon. Correct me if I’m wrong but ito ang tingin ko sa kaso. We have not treated Pemberton fairly,” he added.

Meanwhile, the camp of Jennifer Laude confirmed that Pemberton already paid P4.5-M for the civil damages.

Prank pa more! Apat na kabataan huli matapos magtapon ng sako na may tao sa loob

Mahilig ang mga Pilipino sa mga prank, lalo na ‘yung mga “extreme” na ginagawa ng vlogger sa ibang bansa.

Pero ang hindi alam ng apat na kabataan sa Valenzuela City ay hindi nila basta basta pwedeng gayahin ang prank ng mga banyaga dahil mayroong mga batas sa Pilipinas na maari nilang banggain.

Sa isang post ng Valenzuela City Police Station ay ibinalita nila ang pagkaka aresto sa apat na kabataan na tila gustong sundan ang yapak ng ilang sikat na ‘prangkista’ sa ilang bansa.

Pinangalanan ang mga suspek na sila Mark Francis Habagat, 20, ng Villa Baretto Subdivision, Barangay Canumay West; Mark Aldrin Arce, 20, ng Camilla St. De Castro Subdivision, Barangay Paso De Blas; Chris Bayron, 20, residente ng Dela Rosa St. Home Centrum Subdivision, Barangay Mapulang Lupa; at Wynzel Tan, 19, ng St. Joseph St. Barangay Bagbaguin, lahat ay matatagpuan sa Valenzuela City.

Ayon sa mga otoridad, may mga nagsumbong sa kanilang mga tao dahil may nakita silang tao na ipinasok sa sako at itinapon sa tabi ng kalsada.

Nadiskubre nila na ang tao sa loob ng sako ay may buhay pa at ‘yun pala ay ang isa sa mga suspek na si Habagat.

Nahuli rin nila ang tatlo pang suspek na nagtatago at kumukuha ng mga litrato at video di kalayuan sa pinagtapunan ng sako.

Kalaunan ay inamin nila na sila ay nagpa-prank lamang ng mga nadaan na tao at kinukunan nila ng video ang mga reaksyon ng mga makakakita sa sako.

Humingi naman sila ng tawad sa kanilang ginawa.

Hindi naman prank ang kasong kakaharapin ng apat.

Nahaharap sila sa patong patong na kaso katulad ng paglabag sa social distancing, hindi paggamit ng quaratine pass at pagdudulot ng alarm at scandal.

Pinaalalahan naman ng mga otoridad ang ilan pang nagbabalak na mag prank na siguraduhing hindi sila makaka perwisyo ng ibang tao sa gagawin nila.

US Lance Corporal Joseph Scott Pemberton nagbayad na ng P4.5-M sa pamilya ni Jennifer Laude

Kinumpirma ng kampo ni Jennifer Laude na nakapagbayad na si US Lance Corporal Joseph Scott Pemberton noon pang August 25 para sa “civil damages” matapos nitong paslangin ang nasabing Filipino transgender.

Ayon kay Atty. Virgie Suarez, noong 2015 pa inutusan ng korte na magbayad si Pemberton ng 4.5-M pesos sa pamilya ni Laude.

Sa isang dokumento makikita na inutusan ng korte si Pemberton upang bayaran ang mga sumusunod:

  1. PHP 4,320,000 representing the award for loss of earning capacity;
  2. PHP 155,250 representing the award of actual damages;
  3. PHP 75,000 representing the award of civil indemnity;
  4. PHP 75,000 representing the award of moral damages; and
  5. PHP 30,000 representing the award of exemplary damages

Guilty sa kasong homicide si Pemberton matapos nitong tapusin ang buhay ni Laude noong Oktubre 11, 2014 sa loob ng isang motel sa Olongapo.

Noong Septiyembre 2 ay inutusan ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) ang maagang pagpapalaya kay Pemberton dahil sa Good Conduct and Time Allowance (GCTA).

Ngunit hindi pabor ang kampo ni Laude sa nasabing desisyon ng korte dahil diumano’y hindi naman ito nagdusa sa loob ng kanyang selda kaya’t hindi ito maaring isama sa kanyang GCTA.

Tinapos ni Pangulong Duterte ang usapan tungkol sa kaso ni Pemberton ng bigyan niya ng absolute pardon ang nasabing US Lance Corporal.

Ayon kay Pangulong Duterte ay hindi diumano trinato ng patas si Pemberton sa Pilipinas kaya’t naisipan niyang bigyan ito ng pardon.

“It is not the fault of Pemberton na hindi na na-compute because we should allow him, the good character presumption kasi wala namang nagreport na Marines na nagsabi na nagwawala siya,” ani Duterte.

“So sabi ko kay Justice Secretary, Medialdea, pinatawag ko sila kanina, sabi ko it’s my decision to pardon. Correct me if I’m wrong but ito ang tingin ko sa kaso. We have not treated Pemberton fairly,” dagdag niya pa.

Kahit daw mismo ang kampo ni Pemberton ay hindi inaasahan ang pardon mula kay Duterte dahil hindi naman daw sila humiling nito sa Pangulo.

Ngayon daw ay nagbabalak ng bumalik sa pag aaral si Pemberton matapos ang ilang taon nitong pagkaka piit sa Pilipinas.

Marlene Aguilar claims that Duterte is already gone and the current President is a ‘reptilian alien impostor’

Matapos ibahagi ng legendary OPM artist na si Jim Paredes ang isang teorya tungkol sa ‘double’ ni Pangulong Rodrigo Duterte, bumalik nanaman sa mga netizen ang kakaibang istorya noon ni Marlene Aguilar tungkol sa punong ehekutibo.

Maalala noong Disyembre 2017 ay ibinahagi ni Marlene, na kapatid ng isa pang nirerespeto na mang aawit na si Freddie Aguilar ang kagulat gulat na rebelasyon na diumano’y nakuha niya pa mismo sa Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika.

Ayon sa kanyang post ay nakausap niya daw ang isang taga CIA at sinabing ang “totoong” Pangulo daw ay nagtatago sa isang isla at nasa malala ng kalagayan dahil daw sa cancer.

Noong isang buwan pa daw niya nakausap ang taga CIA kaya’t naniniwala itong pumanaw na ng tuluyan si Duterte.

Marami din daw diumano ang nakakita na may kakaiba kay Pangulong Duterte sa mga malaking pagtitipon na kanyang dinaluhan.

“Many people who saw Duterte during the SONA and who also saw him during the Asian [ASEAN] SUMMIT say that there is a big difference between the 2 men. Duterte during his last SONA had a hard time speaking and walked slow. And he appeared to be weak. But the Duterte in the Asian SUMMIT looks younger and he did not any of these health problems I mentioned earlier,” ani Aguilar.

Sinabi pa ni Aguilar na maaring ang Duterte na nakikita ng mga tao ay hindi na ang Pangulo kundi isa ng ‘reptoid alien’ o yung mga nilalang na galing planeta na kayang magpalit ng anyo at gayahin ang kahit sino.

“According to reptoid aliens Dolly Escarrion and I are in contact with, the Duterte you see now is an reptoid alien in disguise. These reptoids can copy and human shape and form they want,” saad ni Aguilar.

“When my asset Trax told PNP Bato [Dela Rosa] that the current Duterte is a reptoid imposter, he responded, “Kaya pala may kakaiba sa kanya,” dagdag pa niya.

Hindi naman sumagot si Dela Rosa na ngayo’y isa ng Senador kung totoo nga bang may nakita siyang kakaiba kay Pangulong Duterte noon.

Nadamay din sa kwento ni Aguilar sila Department of Transporation (DOTr) Secretary Arthur Tugade at Al David Uy.

Dapat diumano’y patunayan ni Duterte na hindi siya isang alien ngunit wala namang sinabi ni Aguilar kung paano ito mapapatunayan ng Pangulo.

“I BELIEVE DUTERTE IS DEAD. I BELIEVE THE CURRENT DUTERTE IS AN IMPOSTOR! So I challenge the president to step forward and clear my allegations immediately, She Dragon 696,” ani Aguilar.

Samantala, si Paredes naman ay nagbahagi ng ilang tweet na nagpapakita na tila may kakaiba sa kasalukuyang Pangulong Duterte.

Sa isang tweet na ngayo’y burado na ay ipinakita pa ni Paredes ang mga posibleng “double” ni Pangulong Duterte upang makapagtago ito sa publiko.

Ngunit agad naman itong itinama ng isa sa mga anak ng inaakusahan ni Paredes.

Vice Ganda blames ‘pandemic’ for not fulfilling the last wish of Lloyd Cadena to him

Kapamilya comedian Jose Marie Viceral popularly known Vice Ganda couldn’t hide his sadness over the demise of vlogger Lloyd Cafe Cadena.

Cadena, 26, passed away on September 4 because of still unknown reasons.

In a tweet, Vice joined the other celebrities to mourn the early death of Cadena.

Vice even mentioned he failed to fulfill one of Cadena’s last wish and blamed the pandemic for her failure.

Lloyd Cadena and Vice Ganda met during a book launch

“Nakakalungkot na di ko naiabot sayo yung simpleng hiling mo sakin dahil sa pandemya. Sana nakagawa ako ng paraan. Sorry Lloyd. Salamat sa pagmamahal mo!!! Mahal din kita! Mahal ka namin!” said the comedian who joined a rally in support of ABS-CBN in the middle of the pandemic.

Vice also decided to postpone the premiere of his vlog so the people would be focused on mourning Cadena.

“Yesterday I promised to upload my latest vlog tonight on my Youtube Channel. But sorry I decided to reschedule it. Let’s all take this time to pray for Lloyd and his loved ones,” he said.

It’s not yet known what request did Cadena made to Vice.

However, in an Instagram post of Sharon Cuneta, the megastar shared that she’s waiting for the vlogger to tell her what kind of gift does he wanted to receive.

“Hinihintay ko pang sabihin mo sa akin Lloyd anak kung ano ang gusto mong gift ko sayo sa bagong bahay mo. Ang tagal-tagal na nahihiya ka pa rin magsabi. Di ka na tuloy nabigyan ng gift nitong “Inay” mo,” Cuneta revealed.

It can be remembered that Lloyd bought a new house for his mother.

 

Dating konsehal ng Ozamiz City na si Ardot Parojinog natagpuang walang buhay sa loob ng kanyang kulungan

Ikinagulat ng mga netizen ang balita tungkol sa nangyari sa dating konsehal ng Ozamiz City na si Ricardo “Ardot” Parojinog matapos itong matagpuang walang buhay sa loob mismo ng kanyang selda.

Sa isang panayam, sinabi ni Philippine National Police chief Camilo Cascolan na wala silang nakitang palatandaan na may nangyaring gulo sa loob ng selda ni Parojinog bago siya pumanaw.

Ngunit upang malinawan ang lahat ay naglunsad sila ng imbestigasyon upang malaman kung sinadya ba ang nangyari kay Parojinog.

Si Parojinog ay nakakulong sa Ozamiz Police Station.

Maalala na si Ardot ang kapatid ng dating alkalde ng Ozamiz na si Reynaldo Parojinog Sr. na nasawi sa operasyon ng pulis na pinamunuan noon ni dating Ozamiz PNP Chief Jovie Espenido.

Isa naman si Ardot sa mga pinalad na hindi nakasama sa nasabing raid at nakatakas ito sa kanilang lugar.

Nagbigay ng P5-M pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte sa taong makakapagturo sa kinarorooan ni Ardot at noong 2018 ay nalamang nasa Taiwan ito.

Pinaghihinalaan na sangkot si Ardot sa mga iligal na aktibidad katulad ng pagbebenta ng shabu.

Kilala ang mga Parojinog noon bilang pinaka makapangyarihang pamilya sa Ozamiz at kahit ang mga pulis doon ay diumano’y takot sa kanila.

May mga akusasyon na pinapaslang ng mga Parojinog ang mga pulis na nagbabalak noon na banggain ang kanilang iligal na mga negosyo.

Itinuring namang bayani si Espenido ng mga netizens dahil sa ginawa niyang pagtapos sa paghahari ng mga Parojinog sa Ozamiz at itinulak pa nga itong tumakbo bilang alkalde ng nasabing siyudad.

Bugoy Cariño reveals having child with EJ Laure, 23 in his 18th birthday

Kapamilya actor Bugoy Cariño finally confirmed his relationship with volleyball player EJ Laure.

In a Facebook post, Cariño showed a photo of their daughter for the first time during the celebration of his 18th birthday.

Laure was also in the photo which confirmed that the two are in a relationship.

“HAPPY BIRTHDAY TO ME! ??? Happy to have a family na mahal na mahal ako. Pagsisikapan ko pong itaguyod ang blessing na ito. Thank you for your unending support and I love you both, Mommy EJ and Baby Scarlet!!” Cariño said.

Laure also posted a video showing their family photos for the first time.

They were rumored to be in a relationship since 2018, during that time Cariño was only 16 years old while Laure was 21.

However, they denied that they’re in a relationship especially the reports that she’s pregnant with the child actor.

The pregnancy rumor was amplified when Laure announced that she’s going to miss a season of UAAP in 2018.

“Hindi naman totoo ‘yung sinasabi nila. Pero nasa kanila na lang ‘yun, kung ano ang gusto nilang sabihin. Kasi siyempre, tao din naman sila, may sarili silang opinyon,” she said.

“Last year, nagpa-injection ako. After noon, ilang days pa lang, umalis agad kami for Thailand. So hindi ako nakapag-therapy, kasi ‘di ba sa Thailand, sunod-sunod ‘yung training namin. Noong AFC (All-Filipino Conference of the Philippine Superliga) lang siya sobrang na-feel ko ‘yung pain ulit,” Laure added.

Meanwhile, the couple became trending on Twitter to congratulate them.

However, some people criticized the couple because of their age gap.

BB Gandanghari, ikinuwento ang relasyon ni Rustom Padilla noon sa isang nagngangalang “Piolo”

Ikinagulat ng mga netizen ang panibagong rebelasyon ni BB Gandanghari sa kanyang vlog kung saan ay ikinuwento niya ang relasyon ni Rustom Padilla sa isang popular na aktor.

Noong 2001 diumano nangyari ang kanilang relasyon noong sila’y nagkasama sa isang show sa United States.

Upang protektahan ang pagkatao ng aktor ay itinago niya nalang ito sa pangalang “Jonathan” habang siya naman ay si “David”.

Ngunit tila bigo si Gandanghari na itago ang pangalan ng aktor dahil minsan ay nadudulas siya habang nag kukwento kaya imbis na Jonathan ang nababangit niya ay nasasabi niya ay “Piolo”.

Ayon sa kwento ni Gandanghari ay sa una ay nagkakahiyaan pa daw si Rustom at ang sikat na aktor, ngunit matapos ng kanilang matagumpay na show ay nagkayayaan silang mag party sa isang club.

Eto namang si “Jonathan” ay hinamon si Rustom na uminom ng alak.

“They drank it. They just danced the whole night. It was a night to remember. Rustom had so much fun kaya ayokong maging defensive sa ikinukuwento, kasi Rustom, after a long time, was genuinely happy that night. Rustom, after a long time, genuinely felt cared for… hindi lang dahil kay Piolo, pero lahat ng kasama niya at that time was really very…that made the night more memorable,” saad ni Gandanghari.

Nagkayayaan pa daw ang grupo sa isang bahay kung saan ay ipinagpatuloy nila ang party.

Niyaya naman ni “Jonathan” si Rustom na maglakad lakad at doon sila lalong nagkakilala.

Humanga diumano si Rustom sa “fearlessness” na ipinakita ng aktor na 23-anyos pa lamang noon.

Bumalik si Rustom at Jonathan sa bahay upang ipagpatuloy doon ang kwentuhan.

Pumunta sa palikuran si Rustom sa taas ng nasabing bahay ngunit nagulat siya sa mga sunod na nangyari.

“So, kuwentuhan, kuwentuhan… Nagtanong si Rustom, ‘Saan ang restroom?’ Sa taas daw. So, umakyat, pasok sa restroom, weewee. Then, lumabas ng bathroom, pagbukas niya ng pinto, nandoon si Jonathan. And then we kissed,” ani Gandanghari.

“It was probably the most felt kiss. It was deep, it was passionate, but it was also more than that. May feeling, e. But, it ended there when they realized may mga tao sa baba. They stopped, and then bumaba na si Rustom,” dagdag pa niya.

Nagpagulo diumano sa isip ni Rustom ang nangyaring iyon, lalo na’t apat na taon na silang hiwalay noon ni Carmina Villarroel.

Ngunit pumayag parin si Rustom na makipagkita kay “Jonathan”.

Ikinuwento niya rin ang isang pag uusap sa pagitan ni Rustom at ng kanilang manager.

Pagdating ngayon ni Rustom sa hotel, naku, eto na yung manager. Sabi sa kanya, ‘Saan ka nagpunta?’

“Sabi ko, ‘Ha, dun nga sa amusement park.’ Sabi niya, ‘Kasama mo si Piolo?’ Sabi ko, ‘Hindi, nagkita lang kami sa baba, pero hindi siya sumama.’ All of a sudden, Rustom now is automatic, parang living a lie. Automatic,” saad niya.

Nagkaroon naman ulit ng private moment ang dalawa at doon nangyari ang ikalawang di inaasahang pangyayari sa pagitan nila.

“While nag-iinuman sila at nag-uusap, parang biglang… Alam niyo naman ang dalawang tao na nag-e-enjoy sa isa’t isa, di ba? Then, all of sudden, they realized na, ‘Wow, we are suddenly alone.’ Wala pa kasi akong pagkakataon na maging alone, honestly, that’s the truth.” sabi ni Gandanghari.

“I think David saw love in Jonathan’s eyes. If not attraction, but he saw something in Jonathan. And then they kissed again and again and again. They embraced, they kissed, but basically that. No touching, nothing, just really embracing and kissing. That was enough for Rustom, and then they slept, embracing each other,” dagdag pa niya.

Pinutol naman ni Gandanghari ang kanyang kwento ngunit nangako siya na mayroon pa daw itong part 2.

Naungkat na ang nasabing isyu noong 2007, ngunit hindi ito sinagot noon ni BB Gandanghari.

Ayon sa Pep.Ph binabangit ni Gandanghari ang kanyang project noon sa San Francisco, California kung saan kasama niya ang ilang kilalang artista na sila Piolo Pascual, Alice Dixson, Rosanna Roces, Mat Ranillo III, Rez Cortez, at Judy Ann Santos

Tim Sawyer, sinabing tinatakot siya ni China Roces para magbigay siya ng pera

Inakusahan ng vlogger na si Tim Sawyer ang kanyang partner na si dating FHM model China Roces ng pananakot upang diumano’y makakuha ito ng karagdagang sustento mula sa kanya.

Inilahad ni Tim sa kanyang Facebook post na kinukunan daw siya ng video ni China upang gamitin ito laban sa kanya.

Sinabi ng vlogger na gusto niya lamang magkaroon ng pirmahan sa pagitan nila ni China upang magkaroon man lang siya ng pruweba na nagbibigay ito ng sapat na pera sa kanyang mag ina.

Ngunit imbis na pumirma diumano si China ay nag umpisa itong mag video upang palabasin na siya ay masamang tao.

“UNA SA LAHAT ILANG BESES MUNA GINAWA NA GINAGAWAN MOKO NG KWENTO TUNGKOL SA MADAMOT AKO SA PERA. PERO ALAM MO UMAASA PARIN AKO NA SANA KAGABI OK NA ANG LAHAT SINABI KO LANG GUSTO KO E SULAT MO AT PUMERMA KA KASI BAKA E DENY MO NA NAMAN DI KITA BIGYAN NG PERMA INSTEAD NA MAGING MASAYA VINIDEOHAN MO PA AKO PARA SAN PARA IPA HIYA NANAMAN AKO SA FACEBOOK AT E LALABAS MO NA NAMAN NA AKO YUNG MAY PROBLEMA SA PERA SATIN DALAWA?” ani Tim.

“NAG KAKA GANITO NGAYON KASI SUMUSUBRA NA SI CHINA NGAYON MONTH LANG NATO NANG HINGI SYA SAKIN NG 100k BINIGAY KO SA KANYA.. “KAHAPON KINUKULIT NA NYA AKO SA ONOTHER 300K NA GUSTO NYA KUNIN SAKIN..PERO ANO GINAWA MO TINATAKOT MO NAMAN AKO VIDEOHAN ULIT GAYA NG PINAPAHIYA MOKO SA MGA TAO !!!!IKAW ANG KAILANGAN MAG BAGO SATIN DALAWA HINDI AKO,” dagdag pa niya.

Ipinakita ni Tim ang isang CCTV footage kung saan ay makikita ang tila pagtatalo sa pagitan nilang mag partner.

Mapapansin na kumuha si China ng cellphone upang itutok kay Tim na tila kinukuhanan siya ng video.

Sinagot naman ni China ang mga paratang at sinabing sini-setup lamang siya ni Tim upang siya ang magmukhang masama.

“Ngaun masaya kana?? Nabaliktad mo na ako..Kung talagang mahal mo kami hindi mo yan gagawin..Yung i setup ang cctv at bbgyan aq ng pera at papipirmahin para iset up at siraan ako,” ani China.

“Kung talagang totoong concern ka samin at mahal mo kami hindi ka bumili ng bahay,kotse at negosyo pra sa sarili mo at tinago samin..Kung mahal mo kami tlaga hindi mo ginawa to.. Ngaun para sa anak ko..lalaban ako..Bilang isang ina at ginawa lahat para mabuo pamilya..Pero mas pinili mo maging magisa at magpakasasa sa kayamanang parehas nating pinaghirapan..Sayo na yan..Basta ako lalaban ako para sa anak ko,” dagdag pa nila.