TAPE Inc. said that Eat Bulaga will continue without TVJ: “Ang pag alis ng mga hosts ay hindi dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo”

Naging palaban ang Television and Production Exponents (TAPE) Inc. sa naging kanilang pahayag matapos lisanin nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon ang kanilang kumpanya nitong Mayo 31.

Advertisement

Nitong Sabado ay naglabas ang TAPE ng kanilang pahayag kung saan ay nangako sila na kahit na umalis na ang mga dating host ng Eat Bulaga ay magpapatuloy parin ang ‘isang libo’t isang tuwa’.

Ayon kay CEO ROmeo Jalosjos Jr. ay ikinakalungkot nila ang nangyari sa Eat Bulaga ngunit kailangan parin nilang magpatuloy.

“We want to assure the public and the supporters of the show through its segments that we are committed to providing quality entertainment. It is unfortunate, but life must go on. As with life, we have to accept changes but we have a duty to every Filipino.” ani Jalosjos.

“Abangan niyo ang mga bagong magpapasaya at magpapatibok ng ating mga puso. Aasahan ninyo ang mas masaya, mas nakakaaliw at HIGIT PA SA ISANG LIBO’T ISANG TUWA na Eat Bulaga. patuloy ang Dabarkads na maglilingkot para sa inyo,” dagdag pa niya.

Advertisement

“Ang pag-alis ng mga hosts ay hindi dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo,” 

Hindi naman nagustuhan ng ilang netizens ang naging pahayag ni Jalosjos na tila hindi nirespeto ang naiambag ng TVJ sa kanilang programa ng ilang dekada.

Advertisement

“Eat Bulaga will never be the same again. The original hosts put in a lot of effort and gave it a unique identity. Even if the show changes its environment, situation, or vibe, the original team of so-called ‘DABARKADS’ is irreplaceable,” ani netizen Jame.

“Parang sa linggo nAPO sila mangyayari diyan. hindi rin natin masisisi TAPE baka ang mahal na talaga ng TF ng TVJ tapos hindi na rin naman 100 % na sila lang ang naghohost. ang sagwa lang ng tagline nila againsr TVJ.. na tuloy ikot ng mundo daw. Ang yabang lang ng design,” sabi ni netizen Lidialyn.

Facebook Comments Box