Cristy Fermin, gigil na gigil sa nagsumbong kay Willie Revillame: “Yung dila mo putulin mo!”

Hindi mapigilan ng beteranong kolumnista na si Cristy Fermin na mangigil sa taong nagbulong sa kanyang anak-anakan na si Willie Revillame.

Advertisement

Matatandaan sa kanyang paghingi ng tawad nitong Pebrero , sinabi ni Revillame na mayroong nagbulong sa kanya tungkol sa diumano’y pahayag ni Fermin na tinawag siyang ‘mayabang’ kaya naman hindi nito napigilan na batikusin ang kolumnista sa telebisyon.

“Napain lang ako eh, may nagsabi sakin na ‘akala ko ba nanay mo yang si Cristy Fermin, bakit sinabi na ang yabang yabang mo daw’ so parang na-ano na ko dahil ganoon na ‘yung mga dumadating.” paliwanag ni Revillame.

“Ang pagkakamali ko ay hindi ko kasi napanood yung Cristy Ferminute dahil ayoko ng manood. Ang pagkakamali ko doon ay nagdesisyon ako na magsalita, ako po ‘yung nagkamali doon.” dagdag pa niya.

Sa kanyang radio program kasama si Romel Chika na ‘Cristy Ferminute’ nitong Pebrero 13 ay hindi na nakapagtimpi si Fermin at pinagsabihan ang mga nakapaligid kay Revillame na huwag bulungan ng maling impormasyon ang television host.

Ayon kay Fermin ay pansamantalang pinaalis sa programa ni Revillame ang nasabing nagsulsol sa televion host.

Advertisement

Itong binanggit niyang beki na ito, reklamo nang reklamo ‘yan tungkol kay Willie kesyo ginaganito raw siya ng kuya niya, kesyo ganyan. Ginagawa raw siyang alila pero nandoon pa rin naman hindi umaalis dahil sabi ko nga natatakot magutom, kaya yes men silang lahat na nakapalibot.” ani Fermin.

“Ikaw na beki ka, ‘yang dila mo putulin mo. Ilang beses nang nalalagay si Willie sa alanganin dahil sa mga pagsusulsol mo. Ang kuya mo naman na ewan ko kung bakit nakikinig sa ‘yo, ayan kayong dalawa ngayon ang nagkakaproblema.” dagdag pa niya.

Advertisement

Naniniwala ang kolumnista na pinahamak lamang lalo ng mga nasa paligid ni Revillame ang kanilang boss.

“Kaya itong mga taong ito na nagsusulsol tumigil na kayo walang mangyayari sa kakasulsol ninyo. Tingnan ninyo hindi ninyo kinumpleto ang kuwento, na-clickbait ang kuya n’yo,” aniya.

Facebook Comments Box