Wedding booth ng isang paaralan nitong Valentine’s day, nakaagaw ng atensyon sa mga netizens.

Kinagiliwan ng mga netizens ang ilang larawan na ibinahagi ng isang eskwelahan sa probinsiya ng Panay na kuha sa kanilang marriage booth nitong Valentine’s Day.

Libo libong shares ang nakuha ng nasabing post kung saan ay ilan sa mga estudyante ng New Panay National High School ang nakisali sa ‘wedding booth’ kung saan ay magkukunwaring ikakasal ang mga sasali dito.

Ilan sa mga larawan na ibinahagi ng New Panay NHS Supreme Student Government ang nagkakuha ng maraming reaksyon sa social media.

Isa dito ay ang dalawang lalaki na nagkunwaring ikinasal na sila.

Ngunit ang nakakuha talaga ng libo libong reaksyon ay ang larawan ng isang babae na hindi mapigilan na maiyak matapos itong ikasal sa nasabing booth.

Makikita sa nasabing larawan na tila ramdam na ramdam ng babaeng estudyante na siya ay ikakasal kahit na kunwari lamang ito.

Tila naluluha pa ito habang sila ay nagpapalitan ng matatapos na pangako sa isa’t isa kaya naman tuwang tuwa ang mga nanonood sa nasabing tagpo.

Lalo pang naghiyawan ang mga nakapaligid sa dalawa ng bigla na lamang lumuhod ang lalaki habang isinusot ang ‘wedding ring’.

Umabot sa mahigit 29,000 shares at 80,000 reactions ang nasabing.

Matatandaan na marami ang nasabik sa mga ganitong klaseng aktibidad lalo na’t ilang taon din na hindi nagkaroon ng face-to-face classes.

Kaya naman ikinakatuwa ng mga netizens na makita na nagiging normal na muli ang sitwasyon ng mga paaralan.

 

 

Facebook Comments Box