Tila kumambyo si Hope Soberano sa kanyang mga pahayag na naging dahilan para ulalin siya ng batikos hindi lamang mula sa mga netizens kundi pati narin sa mga dati niyang kasamahan sa showbiz.
Hindi napigilan matapanong ang press kay Hope matapos ang launching ng kanyang pagiging bagong brand ambassador at chief advocacy officer ng financial technology company na Maya.
Sa panayam sa kanya ni MJ Marfori ay sinabi ni Hope na punong puno siya ng pasasalamat sa kanyang narating bilang aktres.
Sinabi rin nito na pinapasalamatan niya ang mga taong naging dahilan ng kanyang pagsikat.
“I just want to say that I’m grateful for everything that I have achieved, everything that I have experienced in life,” ani Hope.
“Every time that I have a chance, I always say how thankful I am to everybody that became part of my journey,” dagdag pa niya.
Malayo ito sa mga napakinggan ng mga netizens sa kanyang 14-minute vlog kung saan ay ibinahagi niya ang tila pagkulong sa kanya sa kahon ng mga nakapaligid sa kanya.
“I’ve been in six feature films, over 500 episodes of teleserye, and have only really dabbled into three main genres romance, comedy, and drama. Since I was 16, I had only really worked side by side with one main co-star, with the same production company, rotating around the same three directors. During all those years, I was never really asked for my input, my thoughts, my ideas,” aniya.
“I’ve sacrificed myself, I’ve sacrificed my freedom, I’ve sacrificed my happiness to present Liza Soberano to the world, and I think I’ve earned the right to finally be me,” dagdag pa niya.