Natawa nalang si Pangulong Rodrigo Duterte habang nagsasalita siya tungkol sa kanyang mga kritiko, kasama na dito si Vice President Leni Robredo.
Sa isang cabinet meeting sinabi ni Pangulong Duterte na tagumpay ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pangunguna ni Secretary Roy Cimatu sa paglilinis ng Manila Bay.
Ngunit hindi rin naitago ni Pangulong Duterte na banatan ang mga kritiko ng nasabing proyekto na binatikos dahil daw pinagpatuloy pa raw ito kahit na panahon na ng krisis.
“Wala talaga tayong magawa, you do it may masabi sila, you do not do it may masabi si Leni (Robredo) what do you want us to do?” ani Duterte.
“Ang problema kasi nito, ‘yung magsabi we are doing enough, what can we do with the germs that’s flying around?” dagdag pa niya.
Ayon kay Pangulong Duterte ay hindi naman pwedeng gumamit sila ng spray upang mawala na ang kumakalat na virus sa bansa.
Humanga naman si Pangulong Duterte kay Cimatu dahil tinupad nito ang kanyang pangako na linisin ang Manila Bay.
Binanatan ulit ni Pangulong Duterte sa puntong iyon ang mga ‘dilawan’ at sinabing kahit anong gawin nito ay masama parin ang ginagawa niya sa mata nila.
“We have done our best, we responded to the medical needs of the [Filipinos],” saad ng Pangulo.
Hinamon naman ni Duterte si Robredo na i-spray ang buong Pilipinas kung gusto na talaga niyang matapos ang pagkalat ng virus sa bansa.
“Etong si Leni kung ano ano pinagsasabi, alam mo Leni kung gusto mo if you really want sprayan natin itong Pilipinas o Manila ng pesticide galing sa eroplano para p*tay lahat,” sabi ni Duterte.
Hinimok ni Pangulong Duterte na tigilan na ng mga kritiko ang pagpapalaki ng problema at sabihin na hindi sapat ang ginagawa ng gobyerno.
Noong weekend ay binuksan sa publiko ang Manila bay upang makita ng mga tao ang white sand.
Matatandaan na binatikos ng ilang grupo kasama na si VP Robredo ang kontrobersiyal na 28-M Manila white sand project.
Ayon sa kanila ay marami sanang mapapakain na Pilipino ang pera na ginamit para pambili ng artificial white sand na gawa sa dolomite.
Sinabi naman ni Robredo sa isang panayam na karapatan naman niya na batikusin ang gobyerno.
“Kahit hindi ako VP, kahit ordinaryong mamamayan lang ako may karapatan akong ipahayag ‘yung aking mga mungkahi. May karapatan akong mag-criticize if I need to criticize, kasi ‘yun ‘yung demands ng pagiging Filipino ko. And demands sa akin as a Filipino ay maging bahagi, maging bahagi ako sa nation building,” ani Robredo.