Hindi naitago ng mga mga miyembro ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kanilang pagkadismaya matapos nilang maaktuhan ang isang lalake habang ginagawang palikuran ang Manila Bay.
Matatandaan na gumagastos ng milyon milyon ngayon ang gobyerno upang maibalik ang ganda ng Manila Bay, kasama na ang paglalagay nito ng white sand na nagkakahalaga ng P28-M.
Sa isang video ni I.C RON TV ay makikita ang mga miyembro ng DENR kasama ang kanilang Undersecretary na si Benny Antiporda ang pag “ebs” ng isang lalake.
Pinatawag kagad nila ang mga otoridad upang mahuli ang nasabing lalake.
Humingi naman agad ng tawad ang lalake sa kanyang nagawa ngunit hindi parin nito napigilan ang mga otoridad na hulihin siya.
Pinagsabihan ni Antiporda ang nasabing lalake.
“Hirap na hirap kami kalilinis. Tinat*ehan mo? Bawal nga ‘yun eh kahit sa tubig ka tum*e,” ani Antiporda.
Maari pang maharap sa karagdagang kaso ang lalake dahil sa wala itong soot na face mask.
Hindi lang ito ang unang beses na mayroong nahuli dahil sa ginawa nilang palikuran ang Manila Bay.
Noong isang taon lang ay dalawang babae ang nahuli habang dumudumi sa nasabing tourist spot.