Tim Sawyer ikinagalit ang pagpapa-Tulfo sa kanya ng babaeng diumano’y naanakan niya sa Mindanao: “Paiyak iyak ka pa!”

10364

Binanatan ni Tim Sawyer ang isang babae na inireklamo siya sa Raffy Tulfo in Action at sinabing may anak sila ng nasabing vlogger.

Ikinuwento ni Winhelyn Romero na nagkaroon sila ng relasyon ni Tim noong 2007 sa isang siyudad sa Mindanao.

Nabuntis diumano ni Tim si Winhelyn, ngunit nawalan daw ng gana ang vlogger sa kanilang relasyon matapos nitong malaman na nag dadalang tao ang nasabing babae.

Pangarap daw diumanong mag artista ni Tim kaya’t hindi pa daw ito handa noon na magkaroon ng pamilya.

Hindi maganda ang naging katapusan ng kanilang relasyon at napilitan si Winhelyn na ipangalan nalang sa kanyang kinakasamang foreigner ang anak nila ni Tim.

Pinabulaanan naman ni Tim ang akusasyon ni Winhelyn at sinabing nakikisali lang daw ang babae sa isyung kinakaharap niya ngayon.

Matatandaan na inakusahan rin si Tim ng kanyang kasalukuyang kinakasama na si China Roces ng pagtatago ng milyon milyong kinikita nito sa kanyang mga videos.

Dinaan din ni Tim sa social media ang kanyang galit kay Winhelyn at sinabing hindi niya kailangan magpa DNA test.

“PA IYAK IYAK KA SA TULFO TAPUS NGAYON KO LANG NA LAMAN WLA PALA SA PODIR MO YUNG BATA!!!!ANO SENSE NITONG PINAG LALABAN MO? SA MATA NG BATAS HINDI KO ANAK YUN KASI HINDI NAKA PANGALAN YAN SA DATI MONG ASAWA/BIYFRIEND TINURING KO NA PARANG ANAK KO NARIN YANG ANAK MO DIKO KAILANGAN E PROVE NA AKO ANG TATAY O HINDI SA BATA KAYA KO NAMAN BUHAYIN YUNG BATA KONG YAN TINATANONG MO… NO NEED D.N.A TEST PERO GAGAWA KA NG KADRAMAHAN SA TULFO DI NAMAN PALA IKAW NAG PAPALAKI SA BATA KAPATID MO NAKAKA HIYA KA…SANA DI MO NALANG PINA ABOT SA GANITO DINAGDAGAN MO LANG PROBLEMA KO!!” saad ni Tim.

Binura rin ni Tim ang kanyang banat kay Winhelyn at sinabing tatahimik nalang siya sa isyu.

Idadaan niya nalang din daw sa korte ang akusasyon ni Winhelyn sa kanya.

“Regarding doons nangyari sa TULFO, nais ko sanang pasalamatan sila sir RAFFY at ang kanyang staff sa pag bigay sa akin ng oppurtunity para marineg ng tao yung side ko. Sa ngayon nais ko na pong manihimik muna and to take things LEGALLY, gawa ng ayoko ng meron “akong masaktan na ibang tao,” ani Tim.

“Para doon sa bata, Kame nalang po bahala ng aking legal team. pero I will assure you na lahat ng GALAW namen ay PARA SA IKABUBUTI nya. Ayaw ko na po siya isali dito sa kaguluah ko sa social media. Meron o walang DNA TEST, masasabi kong mahal ko itong batang ito,” dagdag pa niya.

Isang linggo na ang nakakaraan na inamin ni Tim na mayroon siyang anak sa Mindanao.

“HINDI KO TINATANGI NA MAY ANAK AKO SA MINDANAO..ALAM NG PAMILYA AT KAIBIGAN KO YAN..KAHIT SI CHINA ALAM NYA ANG ISSUE KO NONG KABATAAN KO,” saad ni Tim.

“ALAM MO PINAGLABAN KO YAN..PERO PINILI MO YUNG LALAKI KAYSA SAKIN KASI MAPERA…E AKO BATA PAKO DIBA,” dagdag pa niya.

Binura rin ni Tim ang nasabing post.

Facebook Comments