Tim Sawyer, sinabing tinatakot siya ni China Roces para magbigay siya ng pera

6077

Inakusahan ng vlogger na si Tim Sawyer ang kanyang partner na si dating FHM model China Roces ng pananakot upang diumano’y makakuha ito ng karagdagang sustento mula sa kanya.

Inilahad ni Tim sa kanyang Facebook post na kinukunan daw siya ng video ni China upang gamitin ito laban sa kanya.

Sinabi ng vlogger na gusto niya lamang magkaroon ng pirmahan sa pagitan nila ni China upang magkaroon man lang siya ng pruweba na nagbibigay ito ng sapat na pera sa kanyang mag ina.

Ngunit imbis na pumirma diumano si China ay nag umpisa itong mag video upang palabasin na siya ay masamang tao.

“UNA SA LAHAT ILANG BESES MUNA GINAWA NA GINAGAWAN MOKO NG KWENTO TUNGKOL SA MADAMOT AKO SA PERA. PERO ALAM MO UMAASA PARIN AKO NA SANA KAGABI OK NA ANG LAHAT SINABI KO LANG GUSTO KO E SULAT MO AT PUMERMA KA KASI BAKA E DENY MO NA NAMAN DI KITA BIGYAN NG PERMA INSTEAD NA MAGING MASAYA VINIDEOHAN MO PA AKO PARA SAN PARA IPA HIYA NANAMAN AKO SA FACEBOOK AT E LALABAS MO NA NAMAN NA AKO YUNG MAY PROBLEMA SA PERA SATIN DALAWA?” ani Tim.

“NAG KAKA GANITO NGAYON KASI SUMUSUBRA NA SI CHINA NGAYON MONTH LANG NATO NANG HINGI SYA SAKIN NG 100k BINIGAY KO SA KANYA.. “KAHAPON KINUKULIT NA NYA AKO SA ONOTHER 300K NA GUSTO NYA KUNIN SAKIN..PERO ANO GINAWA MO TINATAKOT MO NAMAN AKO VIDEOHAN ULIT GAYA NG PINAPAHIYA MOKO SA MGA TAO !!!!IKAW ANG KAILANGAN MAG BAGO SATIN DALAWA HINDI AKO,” dagdag pa niya.

Ipinakita ni Tim ang isang CCTV footage kung saan ay makikita ang tila pagtatalo sa pagitan nilang mag partner.

Mapapansin na kumuha si China ng cellphone upang itutok kay Tim na tila kinukuhanan siya ng video.

Sinagot naman ni China ang mga paratang at sinabing sini-setup lamang siya ni Tim upang siya ang magmukhang masama.

“Ngaun masaya kana?? Nabaliktad mo na ako..Kung talagang mahal mo kami hindi mo yan gagawin..Yung i setup ang cctv at bbgyan aq ng pera at papipirmahin para iset up at siraan ako,” ani China.

“Kung talagang totoong concern ka samin at mahal mo kami hindi ka bumili ng bahay,kotse at negosyo pra sa sarili mo at tinago samin..Kung mahal mo kami tlaga hindi mo ginawa to.. Ngaun para sa anak ko..lalaban ako..Bilang isang ina at ginawa lahat para mabuo pamilya..Pero mas pinili mo maging magisa at magpakasasa sa kayamanang parehas nating pinaghirapan..Sayo na yan..Basta ako lalaban ako para sa anak ko,” dagdag pa nila.

Facebook Comments