BB Gandanghari, ikinuwento ang relasyon ni Rustom Padilla noon sa isang nagngangalang “Piolo”

15960

Ikinagulat ng mga netizen ang panibagong rebelasyon ni BB Gandanghari sa kanyang vlog kung saan ay ikinuwento niya ang relasyon ni Rustom Padilla sa isang popular na aktor.

Noong 2001 diumano nangyari ang kanilang relasyon noong sila’y nagkasama sa isang show sa United States.

Upang protektahan ang pagkatao ng aktor ay itinago niya nalang ito sa pangalang “Jonathan” habang siya naman ay si “David”.

Ngunit tila bigo si Gandanghari na itago ang pangalan ng aktor dahil minsan ay nadudulas siya habang nag kukwento kaya imbis na Jonathan ang nababangit niya ay nasasabi niya ay “Piolo”.

Ayon sa kwento ni Gandanghari ay sa una ay nagkakahiyaan pa daw si Rustom at ang sikat na aktor, ngunit matapos ng kanilang matagumpay na show ay nagkayayaan silang mag party sa isang club.

Eto namang si “Jonathan” ay hinamon si Rustom na uminom ng alak.

“They drank it. They just danced the whole night. It was a night to remember. Rustom had so much fun kaya ayokong maging defensive sa ikinukuwento, kasi Rustom, after a long time, was genuinely happy that night. Rustom, after a long time, genuinely felt cared for… hindi lang dahil kay Piolo, pero lahat ng kasama niya at that time was really very…that made the night more memorable,” saad ni Gandanghari.

Nagkayayaan pa daw ang grupo sa isang bahay kung saan ay ipinagpatuloy nila ang party.

Niyaya naman ni “Jonathan” si Rustom na maglakad lakad at doon sila lalong nagkakilala.

Humanga diumano si Rustom sa “fearlessness” na ipinakita ng aktor na 23-anyos pa lamang noon.

Bumalik si Rustom at Jonathan sa bahay upang ipagpatuloy doon ang kwentuhan.

Pumunta sa palikuran si Rustom sa taas ng nasabing bahay ngunit nagulat siya sa mga sunod na nangyari.

“So, kuwentuhan, kuwentuhan… Nagtanong si Rustom, ‘Saan ang restroom?’ Sa taas daw. So, umakyat, pasok sa restroom, weewee. Then, lumabas ng bathroom, pagbukas niya ng pinto, nandoon si Jonathan. And then we kissed,” ani Gandanghari.

“It was probably the most felt kiss. It was deep, it was passionate, but it was also more than that. May feeling, e. But, it ended there when they realized may mga tao sa baba. They stopped, and then bumaba na si Rustom,” dagdag pa niya.

Nagpagulo diumano sa isip ni Rustom ang nangyaring iyon, lalo na’t apat na taon na silang hiwalay noon ni Carmina Villarroel.

Ngunit pumayag parin si Rustom na makipagkita kay “Jonathan”.

Ikinuwento niya rin ang isang pag uusap sa pagitan ni Rustom at ng kanilang manager.

Pagdating ngayon ni Rustom sa hotel, naku, eto na yung manager. Sabi sa kanya, ‘Saan ka nagpunta?’

“Sabi ko, ‘Ha, dun nga sa amusement park.’ Sabi niya, ‘Kasama mo si Piolo?’ Sabi ko, ‘Hindi, nagkita lang kami sa baba, pero hindi siya sumama.’ All of a sudden, Rustom now is automatic, parang living a lie. Automatic,” saad niya.

Nagkaroon naman ulit ng private moment ang dalawa at doon nangyari ang ikalawang di inaasahang pangyayari sa pagitan nila.

“While nag-iinuman sila at nag-uusap, parang biglang… Alam niyo naman ang dalawang tao na nag-e-enjoy sa isa’t isa, di ba? Then, all of sudden, they realized na, ‘Wow, we are suddenly alone.’ Wala pa kasi akong pagkakataon na maging alone, honestly, that’s the truth.” sabi ni Gandanghari.

“I think David saw love in Jonathan’s eyes. If not attraction, but he saw something in Jonathan. And then they kissed again and again and again. They embraced, they kissed, but basically that. No touching, nothing, just really embracing and kissing. That was enough for Rustom, and then they slept, embracing each other,” dagdag pa niya.

Pinutol naman ni Gandanghari ang kanyang kwento ngunit nangako siya na mayroon pa daw itong part 2.

Naungkat na ang nasabing isyu noong 2007, ngunit hindi ito sinagot noon ni BB Gandanghari.

Ayon sa Pep.Ph binabangit ni Gandanghari ang kanyang project noon sa San Francisco, California kung saan kasama niya ang ilang kilalang artista na sila Piolo Pascual, Alice Dixson, Rosanna Roces, Mat Ranillo III, Rez Cortez, at Judy Ann Santos

Facebook Comments