Isang grupo, binatikos ang SAF na naitampok sa KMJS: “Wag ipangalandakan ang movements ng tropa para lang sumikat!”

3676

Binatikos ng isang grupo ng mga asawa ng sundalo si Patrolman Joebert Lacea na isa ring miyembro ng PNP Special Action Force dahil diumano sa pagiging madaldal nito sa kanyang mga nagiging ka-chat.

Sa isang Facebook post ay hindi naitago ng grupong Legal Army Wives ang kanilang pagkadismaya kay Lacea.

Ayon sa kanila ay hindi dapat ipaalam ng mga sundalo o pulis sa mga ka chat nila ang kanilang mga plano at pupuntahan dahil maaring ikapahamak ito hindi lang niya kundi ng mga kasama niya sa mga misyon.

“WAG IPANGALANDAKAN ANG MOVEMENTS NG TROPA PARA LANG MAG VIRAL , DI LANG SARILI MO IPINAPAHAMAK MO KUNDI BUONG TROPA. HANEP IBINIGAY MO PA BUONG DETALYE/NUMERO. KUNG MAY VIP PANG KASAMA AT PAIN LANG PALA KAUSAP MO, WALA NA FINISH NA! DAPAT MA REVIEW ITO NG IMMEDIATE SUPERIORS NYO PUTTING THE WHOLE TEAM IN JEOPARDY,” saad ng grupo.

“MAG-INGAT. MAS MAIGING LIGTAS KESA MAG “VIRAL”!! WE ARE THANKFUL EVERYONE IN THE MOVING TROOPS IS SAFE. MASWERTE KA WALANG DISGRASYANG NANGYARE, DAHIL PAG NAGING HORROR ANG ENDING NG PA FAMOUS NYO, MARAMING PAMILYA ANG PALULUHAIN NYO AT ALAM MO NA ANG KALALAGYAN MO,” dagdag pa nila.

Ayon din sa kanila ay tila nadamay pa ang mga sundalo sa isyu na kinaharap ni Lacea matapos itong akusahan ng pagiging babaero.

Pinaliwanag nila na ang mga maraming sundalo ang “loyal” sa kanilang mga minamahal.

Humingi naman ng tawad si Lacea sa kanyang nagawa at sinabing hindi niya balak magviral o magpasikat.

Maalala na naitampok sa KMJS ang istorya nila Lacea at Richelle Amorcilla.

Sa isang video ay makikitang sinubukang humabol ni Amorcilla sa grupo ni Lacea na papunta na sa kanilang bagong misyon.

Marami man ang kinilig ay marami rin ang tumaas ang kilay matapos nilang malaman na may mga nakarelasyon din ang nasabing pulis sa parehong taon.

Ipinagtanggol naman ni Lacea ang sarili at sinabing hindi niya kasalanan kung magmahal muli siya.

Facebook Comments