Pulis matulis? Miyembro ng SAF na itinampok sa KMJS, inakusahan ng pagiging babaero

64338

Marami ang kinilig matapos itampok ng Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) ang mala-Koreanovela na istorya nila Richelle Amorcilla at Patrolman Joebert Lacea noong nakaraang linggo.

Ngunit tila madami ang tumaas ang kilay ng mapag alaman na si Lacea pala, na isang miyembro ng PNP Special Action Forces (SAF) ay madami ng naging nobya.

Sa post ng Samahan ng Aasawa at Girlfriend ng Pulis ay ipinakita nila ang litrato ng dating kasintahan ni Lacea na isa ring pulis.

Ayon sa post ay sabay palang nangarap si Lacea at ang kanyang kasinatahan sa loob ng anim na taon.

Natapos ang kanilang relasyon ngayon lamang taon na ito.

“I believe that everything happens for a reason because everything in my life, all the good and the bad, has led me right to you. And you are my reason for being so happy. Thank you for being so supportive be. Thank you for being a big part of my life. We’ve been so many trials but you never failed to understand and support me.Happy 6th Anniversary be, more years and blessings to come! I love you so much be. Can’t wait to see you so soon,” saad ng dating kasintahan ni Lacea.

Ipinakita din ng nasabing page ang litrato ni Lacea kasama si Amorcilla, matapos silang magkita pagkalipas ng dalawang buwan.

“At SA wakas .NAGKITA NARIN TAYO. Si lord na kusa gumawa Ng paraan para mag Kita tayo. Thank you Lord kumpleto na aTung monthsary . ILOVEYOU,” ani Lacea.

Samantala, na isyu rin pala ang nasabing SAF sa isa pang babae na nagngangalang Angelyn Villanueva.

Sa nasabing mga litratong ipinakita ng netizen na si Princess Lynn, ay makikita ang mga sweet moments sa pagitan ni Villanueva at Lacea.

“MYloves” pa ang tawagan ng dalawa na napabalitang nagkaroon ng relasyon mula Mayo hanggang Hulyo.

Ngunit paliwanag naman ni Villanueva ay “Mutual Understanding” lang daw ang nangyari sa pagitan nilang dalawa.

“Buti nalang hindi natuloy lovestory namin kasi may mas deserving at mas malapit pa sa kanya,” saad ni Villanueva.

Halo ang reaksyon ng mga netizen sa isyung kinaharap ni Lacea.

May ilang nagalit, pero may ilan din namang dinepensahan ang pulis.

Ayon sa kanyang mga taga suporta ay hindi naman pinagsabay sabay ni Lacea ang mga nasabing babae.

Facebook Comments