Istorya ni Julian Martir na nakakuha diumano ng 30 scholarship sa mga unibersidad sa UK at US, posibleng hindi totoo

Naging usap-usapan sa social media ang istorya ng isang binata mula sa Visayas matapos itong makakuha diumano ng 30 scholarship mula sa iba’t ibang unibersidad sa ibang bansa, kasama na dito ang United Kingdom at Amerika.

Advertisement

Ibinahagi ni Julian Martir sa kanyang social media account ang mga natanggap niyang liham mula sa mga nasabing unibersidad kung saan ay kung titignan ay umabot sa P104-M ang halaga ng scholarship na kanyang natanggap.

Ayon kay Julian ay anak siya ng isang tricycle driver at tindera kaya naman lubos lubos ang pagkagalak nito dahil sa naabot niya.

Ngunit maraming netizen ang kinuwestiyon kung totoo nga ba ang istorya ni Julian dahil sa iba’t ibang dahilan, kasama na dito ang hindi pagpayag ng mga magulang ng binata na magpa-interview at ang kwestiyonableng mga sulat na kanyang natanggap mula sa mga unibersidad.

Isa ang Facebook page na Dalawang Sentimo sa Kalye sa tinalakay ang istorya ni Julian at marami siyang napansin na kuwestiyonable sa istorya ng binata.

Ayon sa nasabing Facebook page ay hindi pa nag-uumpisa ang pagtanggap ng mga unibersidad sa UK at US ng mga application para sa scholarship.

Napansin din niya na hindi makumpirma ng eskwelahan kung saan nagtapos si Julian kung may katotohanan ba ang natanggap niyang scholarship at hindi rin sila nasabihan ng mga nasabing unibersidad sa abroad tungkol dito.

Advertisement

Mali mali rin diumano ang grammar ng liham na natanggap ni Julian kaya naman kuwestiyonable ito lalo na kung talagang galing ang sulat mula sa mga prestihiyosong unibersidad sa ibang bansa.

Pinuna naman ng nasabing Facebook page ang media dahil sa hindi man lang nila tinignan kung totoo nga ba ang istorya ng binata.

Advertisement

“This is a common phenomenon in Filipino media is always desperate for international recognition, that’s why Filipinos often don’t doubt when they hear a Filipino did this or did that because it gives a sense of ethnic validation.” sabi ng Facebook page.

Sa isang programa sa radyo ay sinabi rin ng assistant principal ng eskwelahan kung saan nagtapos si Julian na wala pa silang natatanggap na kahit anong liham mula sa 30 unibersidad na diumano’y nagbigay ng scholarship sa kanilang dating estudyante.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Julian sa mga netizen na kumukwestiyon sa kanyang post.

Facebook Comments Box