Rendon Labador at Ben Tulfo, nagkakainitan na: “Edi pahuli mo ‘ko para magkaalaman tayo, hindi kita uurungan”

Tila magiging totoo na ang alitan sa pagitan ng motivational speaker na si Rendon Labador at investigative journalist na si Ben Tulfo.

Matatandaan na nag-umpisa ang isyu dahil sa isang kumalat na pekeng pahayag ni Tulfo kung saan ay pinalabas na ipinagtatanggol ng mamamahayag si Michael V. mula kay Labador.

Nilinaw naman ni Tulfo na hindi siya ang naglabas ng pahayag, ngunit nagpasaring parin ito kay Labador at sinabi na hindi siya pumapatol sa mga babae.

Hindi naman nakapagpigil si Labador kaya’t tila nag-umpisa ng maging totoo ang alitan ng dalawan.

Sa kanyang programa sa Bitag, nagbigay ng babala si Tulfo kay Labador at sinabihan ang motivational speaker na huwag galawin ang mga kasamahan niya sa mainstream media.

“Wala ka pang kasalanan sa akin.. pero ayon sa aking barberong si Mang Igme, may mga sinasabi ka raw, hindi ka pumapatol sa matanda. Ah, gano’n? Meron lang ako maipapayo sa’yo, huwag mong kakantiin ang mga kauri ko sa industriya ng mainstream media!” ani Tulfo.

Sumagot naman si Labador at hinamon si Tulfo na ipahuli siya kung mali ang ginagawa niya.

“Wala akong pakialam sa inyong lahat kahit magkampi-kampihan pa kayo diyan, gusto ko lang sabihin ang opinyon ko. Anong “enforcer ng media”? Edi pahuli mo ‘ko para magkaalaman tayo, hindi kita uurungan.” ani Labador.

“Kung gusto mo, ako pupunta diyan para hindi ka na mahirapan,” dagdag pa niya.

Facebook Comments Box