Ngiting tagumpay! Boksingero na si Vince Paras di napigilan yakapin ang ring girl sa tuwa matapos manalo sa laban niya

Hindi napigilan ng isang boksingero na si Vince Paras na mapayakap sa katabi niyang ring girl matapos niyang manalo sa kanyang boxing match laban sa Japanese national na si Ayumu Hanada.

Natalo ni Paras na tubong General Santos City ang kanyang kalaban via 8 round decision.

Advertisement

Nangyari ang laban nitong Mayo 13 sa Pasay City bilang parte ng undercard sa laban nila Johnriel Casimero at Fillipus Nghitumbwa.

Ngunit tila mas sikat pa ngayon ang naging laban ni Paras kaysa kay Casimero dahil sa ginawa niya matapos niyang manalo.

Makikita sa ilang video na kumakalat sa social media na matapos ianunsyo ang kanyang pagkapanalo ay bigla na lamang napayakap si Paras sa katabi niyang ring girl.

Kinaaliwan naman ng mga netizens ang ginawa ni Paras dahil tila dalawang beses itong nanalo ng gabing ‘yon.

Advertisement

“Grabe tong si Vince Paras doble ang panalo hahaha,” komento ni netizen Boktime.

“Pilipino pride HAHAHHAHA,” ani netizen Claud.

Naniniwala naman ang mga netizens na walang malisya ang ginawa ni Paras at nagawa lamang niya ito dahil sa kagalakan.

Kilala rin si Paras sa kanyang personalidad sa labas at loob ng ring at inihahalintulad din siya kay Casimero.

Advertisement

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang boksingero sa kanyang natatanggap ngayong kasikatan sa social media.

 

Facebook Comments Box