Isinugod sa ospital ang panganay na anak ni Karen Davila na si David matapos itong makaranas ng ‘seizure’.
Sa isang Instagram post ay ipinakita ni Davila ang lagay ng kanyang anak na nagpapahinga na ngayon.
Ayon kay Davila na kagagaling lang sa Sorsogon ay sinalubong pa sila ng kanilang anak pagdating nila sa kanilang tinitirhan.
Ngunit bigla na lamang itong inatake ng seizure kaya’t agad silang humingi ng tulong.
Si David ay mayroong espesyal na kondisyon kung saan ay nangangailangan ito ng karagdagang kalinga sa kanyang mga magulang.
Todo pasalamat naman si Davila na ligtas na ang kanyang anak sa panganib.
“Now, seizures can be common for kids with autism but David has never really had them. He has only had one scary episode when he was 7 yrs old,” ani Davila.
“Thank God for my husband & the first responders of our condo lobby. They were fast thinkers, equipped to assist & knew what to do to make sure he would stay alive. And all I did was shout the name of our Lord Jesus Christ non-stop, asking HIM to heal & save David.” dagdag pa niya.
Ayon kay Davila ay ginagawa na ng mga doktor ni David ang lahat para hindi na maulit ang nasabing insidente.