Page ng babaeng motovlogger na nangompronta ng motorista, nabura

Nabura ang Facebook page ng moto vlogger na si Yanna Aguinaldo o mas kilala bilang si Yanna Motovlog, ilang linggo matapos siyang masangkot sa isang kontrobersiya.

Advertisement

Hindi na mahagilap ngayon sa Facebook ang nasabing page na mayroong mahigit 400,000 followers at isa sa mga pinagkakakitaan ni Yanna.

Matatandaang si Aguinaldo ang vlogger na ibinahagi sa social media ang alitan nila ng motoristang si Jimmy Pascua habang siya ay nagbi-biyahe sa Zambales.

Ayon sa ilang ulat ay umabot umano sa P50,000 ang kinita ni Yanna sa nasabing video bago niya ito burahin.

Dahil sa nangyaring insidente ay patong patong na reklamo ang kinakaharap ngayon ni Aguinaldo mula sa Land Transportation Office (LTO) at mula sa kampo ni Pascua.

Advertisement

Kasama na sa mga parusang kinakaharap ngayon ni Yanna ang pagbabayad ng P7,000 na multa at pagkaka-suspinde ng kanyang lisensya.

Sa isa namang pahayag, sinabi ni Aguinaldo na natuto na siya sa mga nangyari.

“I’ve made mistakes. I’ve been reactive. And I’ve learned, the hard way, that strength without restraint can cost you more than you think,” ani Yanna.

Advertisement

“This isn’t a redemption arc. I’m not here to perform remorse, I’m here to do better. Slowly, consistently, quietly,” dagdag pa niya.

Sa kabila ng kanyang paghingi ng paumanhin ay nanindigan si Yanna na kulang ang ebidensya ng LTO laban sa kanya.

Facebook Comments Box