Driver, pumalag matapos akusahan na pinagpapantasyahan ang kanyang estudyanteng customer

Nag-lock ng kanyang profile ang isang estudyante na sumikat sa social media kahapon matapos niyang akusahan ang kanyang driver na pinaglululuhan siya.

Advertisement

Sa kanyang post na ngayon ay burado na, pinangalanan ni Daniella Charlize ang driver ng kotse na kanilang nasakyan.

Ayon kasi kay Charlize ay pagpasok pa lamang nila ay humihingal na umano ang driver.
Maliban doon ay hindi naman nakita ni Charlize kung may ginagawa talaga ang nasabing driver.

Matapang naman na sinagot ng driver na si Jerricho Narvaez ang mga akusasyon sa kanya ni Charlize.

Ayon kay Narvaez ay ang kanyang paghingal ay dulot ng kanyang katabaan ang kabusugan.

“Mapapatunayan rin po ni ms. Daniella na kailanman ay wala akong nilabas na ari sa kasagsagan ng ride. Gusto ko lang din iklaro na akopo ay hindi nag-sorry o nag-panic nung ako ay hinarap at kinonfront ni Ms. Daniella Charlize dahil wala naman po akong ginagawang masama,” aniya.

Advertisement

“Mas nagtaka lamang po dahil bigla silang nagrequest bumaba. Kinamusta ko rin po sila kung bakit sila nagpababa. Papatunayan po ito ng Audio Protect recording ni Grab na kasalukuyan pa rin po nilang nirereview,” dagdag pa niya.

Ayon sa kanya ay nasa lima hanggang anim na minuto lamang nagtagal ang kanyang mga customer sa sasakyan.

Advertisement

Nanindigan ang driver na siya ay pamilyadong tao at hinding hindi niya gagawin ang mga akusasyon sa kanya ng estudyante.

Sa ngayon ay pinag-aaralan kung magsasampa sila ng reklamo laban kay Daniella.

Facebook Comments Box