Komedyante na si Ariel Villasanta, sinubukan ibenta ang urn na pinaglalagyan ng abo ng kanyang ina kay Boss Toyo

Ginulat ng komedyante na si Ariel Villasanta ang kolektor na si Boss Toyo matapos niyang ipakita ang isa sa mga maituturing na pinakakaibang ibebenta sa kanyang show na ‘Pinoy Pawnstars.’

Sa kanyang vlog nitong March 22, 2024, bumisita ang komedyante na nakilala noon sa duo nila ni Maverick Relova sa shop ni Boss Toyo para magbenta ng iba’t ibang gamit.

Ilan na dito ay ang mga isinoot niya noon na mga damit, mga salamin at ang kanyang diamond ring.

Ngunit lubhang ikinabigla ni Boss Toyo ng biglang ilabas ni Ariel ang urn na pinaglalagyan ng abo ng kanyang ina na si Mommy Elvie na pumanaw noong 2013.

“May show kami ng mommy ko nung araw, artista to. Ito ‘yung urn niya. Kung may ataol pa nga sinibak ko ‘yung ataol niya e,” ani Ariel.

Tila nagdalawang isip na kunin ni Boss Toyo ang nasabing urn dahil sa baka dalawin sila ng kaluluwa ni Mommy Elvie.

Ngunit ayon kay Ariel ay gusto niya lamang magpasaya ng tao dahil ito ang kagustuhan ng kanyang ina.

Biro pa nito na nasa kanya pa naman ang kalahati ng abo ng kanyang ina kaya wala itong problema kung ibenta niya ito kay Boss Toyo.

“Ang ermat ko kasi kahit naging pulburon na siya, gusto niya pa rin magpasaya ng tao,” aniya.

Hindi naman itinuloy ni Boss Toyo ang pagbili sa urn ni Mommy Elvie, ngunit binili niya ang mga damit at singsing ni Maverick sa halagang 140,000 pesos.

Facebook Comments Box