Dating MTRCB chair noong panahon ni PNoy, nalungkot sa suspensyon ng It’s Showtime

Ikinalungkot ng dating chair ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na si Atty. Eugenio “Toto” Villareal ang naging desisyon ng ahensya na bigyag ng 12 na araw na suspensyon ang It’s Showtime.

Advertisement

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN, sinabi ni Villareal na namuno sa MTRCB noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino na malaking dagok sa industriya ang ginawang suspensyon sa It’s Showtime.

Sinabi din nito na marami ang magiging apektado ng nasabing desisyon lalo na’t halos dalawang linggong mawawala sa ere ang naturang programa.

“Well, ang una kong reaksyon of course is nakakalungkot. Even sa nagdedesisyon…” ani Villareal.

“Dahil yung law na nag-create ng MTRCB…isa sa whereas clauses niyan ay ang pagtaguyod ng movie and television industry and therefore, part ng industry ay ang ordinaryo nating crew… aside sa mga artista…Malaki ang dagok ng tinatawag nating 12-day suspension…” dagdag niya pa.

Advertisement

Matatandaan na nag-umpisa ang isyu ng It’s Showtime matapos kumain ng cake ang mga host na sila Vice Ganda at Ion Perez sa harapan ng mga bata sa segment na ‘Isip Bata’.

Ikinalungkot naman ng mga fans ng It’s Showtime ang naturang desisyon at tila sinisi pa nila ang kasalukuyang pinuno ng MTRCB na si Lala Sotto.

Advertisement

Ayon kasi sa kanila ay ang makikinabang sa suspensyon ng It’s Showtime ay ang programa ng ama ni Sotto na E.A.T.

Facebook Comments Box