Isang netizen ang kontra sa isinusulong na P40-B ‘food stamp’ na ideya ng administrasyong Marcos.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni MJ Quiambao Reyes na naalala niya ang isang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na ayaw ng mag-trabaho dahil sapat na ang pera na natatanggap niya sa gobyerno.
“Marami raw sa kanila ay ayaw ng mag banat ng buto. Umaasa na lamang sa 4Ps. Ayaw na’ng mag tanim, ayaw mangisda, at ayaw na rin mamasukan. Pa tong-its tong-its na lang at pa-barik barik ang ilan. Pinagkakasya ang natatanggap na ayuda. Yung iba, sinasadya pa nga raw magparami ng anak para mas malaki ang matanggap,” ani Reyes.
Ayon sa kanya ay ang isinusulong na food stamp program ng gobyerno ay maaring lalo pang mang-engganyo sa mga mahihirap na umasa na lamang lalo sa gobyerno.
“Sana mas paglaanan natin ng resources ang mga mas sustainable livelihood programs para totoong umangat ang mga kababayan nating nasa laylayan – at hindi masanay sa paghingi o pagtanggap lang ng ayuda (na minsan o madalas ay kapalit ng kanilang boto).” aniya.
“Sana ang bilyones na pondo ay mas gamitin para maturuan ng makabagong teknolohiya at matulungan ang ating mga magsasaka at mangingisda. Mag invest sa mga cold storage facilities, farm to market roads, onsite processing facilities per region, and the likes.
“Sana mas gamitin ang pondo para tulungan rin na makapag bukas ng mga pabrika sa iba’t ibang lugar to help generate jobs. Tulungan natin silang tumayo sa sariling mga paa.” dagdag pa niya.
Ayon kay Reyes ay dapat itigil na ng gobyerno ang pamimigay ng kung ano anong tulong sa mahihirap ng walang kapalit.
“Please, let’s not encourage mendicancy.” sabi niya.
Matatandaan na ilang 4Ps beneficiary na ang nahuli dahil sa ginagamit lamang nila ang kanilang natatanggap na pera sa gobyerno sa mga walang katuturang bagay.