Sandiganbayan, pinawalang sala si Janet Napoles sa 16 na kaso nito na may kinalaman sa pork-barrel scam

Pinawalang sala ng Sandiganbayan si Janet Lim-Napoles sa 16 na kaso ng ‘graft’ na may kinalaman sa kanyang pagkakasangkot sa pork barrel scam.

Advertisement

Sa naging desisyon ng ikalawang dibisyon ng Sandiganbayan ay sinabi nila na bigo ang prosekusyon na mapatunayan na nilabag nga ni Napoles ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

“The alleged acts are predicate crimes of Plunder in ‘People V. Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr.,’ Criminal Case No. SB-14-CRM-0240, under which she has already been previously charged and convicted,” ayon sa desisyon ng korte.

Matatandaan na noon pa lamang 2015 ay nakapiit na si Napoles dahil sa patong patong na kasong isinampa sa kanya.

Ngunit ang ilan dito ay napawalang bisa na kaya naman posibleng makalaya na ang negosyante sa mga darating na araw.

Advertisement

Naungkat ang pangalan ni Napoles sa usaping korapsyon matapos diumano nitong gamitin ang mga kumpanya ng negosyante para paglaanan ng Priority Development Assistance Fund (PDAF)  o pork barrel.

Inakusahan si Napoles na ginagamit lamang ang mga PDAF na natatanggap ng kanyang kumpanya sa mga ‘ghost project’ at ang mga nagpopondo diumano ditong opisyal ay nakakatanggap ng ‘kickback’ sa kanya.

Ilan sa mga opisyal na naakusahan ay sina Bong Revilla, Jinggoy Estrada, Juan Ponce Enrile at ilang kongresista.

Advertisement

Umabot sa P3-B ang diumano’y nailagay na pera sa mga kumpanya at organisasyon na pagmamay-ari diumano ni Napoles.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kampo ni Napoles sa pagpabor sa kanila ng korte.

Facebook Comments Box