Xander Ford, walang maipakita na ebidensya na nangako nga sa kanya si Makagwapo ng P349,000 na pakimkim

Hindi kumasa sa hamon ng influencer na si Christian Merck Grey ang kontrobersyal na content creator na si Xander Ford.

Matatandaan na ilang beses nanawagan si Xander sa social media upang hingi ang diumano’y P349,000 na pangakong pakimkim sa kanya ni Christian.

Ayon kasi kay Xander ay nangako diumano si Christian sa kanya na sasagutin ang binyag ng anak niya.

READ: Xander Ford at kanyang asawa, nagmakaawa na kay ninong ng anak niya: ‘Sana ibigay mo na yung P349,000’

Advertisement

Ngunit sumagot naman si Christian at sinabi na wala naman siyang ipinangako kay Xander at nagbibiro lamang siya ng nag-alok siya na sasagutin ang binyag ng anak nito.

“Tol hindi mo ko inimbitahan, nakakatawa ka, hindi mo ko inimbitahan sa binyag ng anak mo tapos nung nakita mo na marami na kong pera, bigla mong sasabihin na sagot ko dapat ang binyag ng anak mo,” ani Christian na kilala rin sa palayaw niya na ‘Makagwapo’.

READ: Makagwapo, inamin na sinabihan si Xander Ford na sasagutin ang binyag ng anak nito: “Parang kwentuhan bang yabangan”

Advertisement

Hinamon din niya si Xander na magpakita ng ebidensya na nangako siya na sasagutin ang binyag ni Xeres.

Nagbigay naman ng reaksyon si Xander sa mga naging pahayag ni Christian at tila siya pa diumano ang pinapalabas na mali.

“SUMAGOT NGA PERO GANUON TALAGA PAG DATING SA HULI AKO PARIN ANG MALI.” aniya.

Sinabi rin ni Xander na malabo na makapagpakita siya ng ebidensya na hinihingi ni Christian dahil sa voice call diumano nangako ang influencer.

Advertisement

“Wala daw ako screenshot ng usapan namin sa call? paano yun kuya merck? call screenshot!” wika niya.

Hindi naman malaman kung papansinin pa ba ni Christian ang bagong pahayag ni Xander sa kanya.

Facebook Comments Box