Cristy Fermin, ‘nasosora’ na kay Jason Hernandez at Moira dela Torre: “Bulok na ang ginagawa n’yong pagpapapansin!”

Hindi na nakapagpigil ang beteranong kolumnista na si Cristy Fermin tungkol sa diumano’y ‘pagpapapansin’ ng dating mag-asawang sina Jason Hernandez at Moira dela Torre.

Matatandaan na parehong ibinahagi sa social media ng dating mag-partner sa ilang larawan sa social media ang kanilang mga kasama, ngunit hindi naman nila ipinapakita kung sino ito.

Dahil dito ay nagkaroon ng kalituhan sa mga netizens kung nagkabalikan na nga ba ang dalawa o kung mayroon na ba silang bagong karelasyon.

Hindi ikinatuwa ni Cristy ang tila pagiging palihim nila Moira at Jason at inakusahan ang dalawa na ginagamit na lamang ang kanilang hiwalayan para pag-usapan ng publiko.

“Bulok na bulok ang ginagawa n’yong pagpapapansin! Nakakainis lang, ginagawa n’yong tanga ang publiko. Ginagawa n’yong t-ng- ang mga basher at lalo n’yong ginagawang tanga ang mga sarili n’yo,” ani Cristy.

Hamon ng beteranong kolumnista ay ipakita na ni Moira at Jason ang mukha ng kanilang mga kasama.

“Face reveal nang hindi kayo nanggugulo ng mga nananahimik. Eh hindi na nga kayo nag-uusap. Ni wala kayong komunikasyon ta’s magdadrama-drama pa kayo ng mga ganyan.” aniya.

Wala pang sagot si Moira at Jason sa banat ni Nay Cristy sa kanila.

Noong 2022 inanunsyo ni Moira at Jason ang kanilang naging hiwalayan.

Inako naman ni Jason ang nangyari sa kanila at sinabi na siya ang may kasalanan kung bakit nasira ang relasyon nilang dalawwa ni Moira.

Facebook Comments Box