Isang ina, hindi maitago ang sama ng kalooban dahil sa ginawa sa kanya ng kanyang anak: “Akala ko pag laki niya siya ang kakampi ko”

Hindi maitago ng isang ina ang kanyang pagdadalamhati matapos siyang gawan ng masama ng kanyang sariling anak sa harap ng kinakasama nito.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Sonia Almanza ang ilan sa larawan na magpapatunay na nakaranas sa ng pangmamaltrato sa sarili niyang anak na nakilalang si Jayvee Almanza.

Ayon sa biktima ay nagkaroon sila ng matinding pagtatalo ng kanyang anak na nauwi sa sakitan.

Sinabi pa ni Mrs. Almanza na pinapanood lamang sila ng kinakasama ng kanyang anak na si Jenyveeb Silang.

Ayon sa biktima ay ginawa niya naman ang lahat para maging isang mabuting ina ngunit hindi niya inaakala na gagawin ito sa kanya ng sarili niyang anak.

“Akala ko pag laki ng anak ko sya ang kakampi ko sa buhay ko kung nag kulang ako pasensya pero hindi mo dapat ako ginulpi habang yang babae na yan nakangise tatawatawa pa na sinasaktan ako ng anak ko,” aniya.

“Siguro naman ginawa ko nang lahat bilang ina eto ba ang kabutihan ko eto ba kapalit sa mga kinauukulan tulungan nyo ako mahuli yang dalwa na yan hindi lang ho ilang beses ginawa,” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay pinaghahahanap na ng mga otoridad ang mga suspek.

Facebook Comments Box