Anne Jakrajutatip, may mensahe sa mga kontra sa pagpasok ng mga nanay sa Miss Universe: “I don’t care.”

Hindi na iniisip ni Miss Universe CEO Anne Jakrajutatip ang mga kritisismo na kanyang natatanggap sa kanyang isinusulong na pagpapayag na makapasok sa prestihiyosong beauty pageant ang mga nanay at kasal.

Advertisement

Sa panayam sa kanya ni Boy Abunda, sinabi ni Anne na siyang CEO din ng JKN Global Group Public Limited na ito na ang tamang oras para payagan ang mga may anak at asawa sa Miss Universe.

“I don’t care. Social inclusion must be here now.” sabi ni Anne.

“We allow them to come in. We respect them. We give them the equal chance, the opportunity because we would love to honor every woman,” dagdag pa niya.

Hindi naman daw bibigyan ng special treatment sa competition ang mga nanay dahil nakasalalay parin ang kanilang pagkapanalo sa mga hurado.

“We have them in the competition. It doesn’t mean they’re going to win, depends on the judges,” aniya.

Advertisement

Matatandaan na kinontra ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz ang nasabing mungkahi.

Ayon kasi sa kanya ay hindi na maituturing na “Miss” ang mga nanay at mayroong asawa.

“My personal opinion, which is not to be taken in a negative way, dapat may sarili silang contest. May Mrs. Universe, may Lesbian Universe, may Tranny Universe,” ani Gloria.

Advertisement

“There is room for so much. Oo, mga category na ganoon, ganyan. Tapos, kasi even sa Mrs. Universe, andaming magaganda diyan na nanganak na. Okay lang yun.” dagdag pa niya.

Facebook Comments Box