Juliana Parizcova Segovia, nakita na tinutulungang magtinda ng pares ang kanyang nanay

Hindi maitago ni Direktor Darryl Yap ang paghanga sa isa sa kanyang mga talent si Miss Q&A Grand Winner Juliana Parizcova Segovia dahil sa pagmamahal nito sa kanyang ina.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Yap ang larawan ni Juliana habang tinutulungan nito ang kanyang ina sa pagtitinda ng kilalang streetfood na Pares.

Ayon kay Direk Darryl ay ayaw ni Juliana na maulanan ang kanyang ina habang ito’y nagtitinda kaya naman siya muna ang pumapalit dito.

“May sariling sasakyan, may sariling condo, may sariling munting negosyo pero konting patak ng ulan, uuwi ng Pasay para palitan ang makulit na Nanay na ayaw sumilong dahil ayaw mawalan ng benta,” ani Yap.

“Iba yung sanay sa hirap, hindi takot sa trabaho…ang tanging kinatatakutan ay maghirap ang mga mahal sa buhay,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ng direktor na mas inuna ni Juliana na magtinda ng pares kaysa sa kanyang pagta-trabaho bilang content creator para lamang masigurado na hindi mababasa ng ulan ang kanyang ina.

Inulan naman ng papuri sa social media ang komedyante.

Ngunit may ilan ang kinuwestiyon kung bakit hindi na lamang bigyan ni Juliana ng mas maayos na pwesto ang kanyang ina.

Paliwanag naman ng ilang fans ng komedyante ay hindi basta basta ang paglilipat ng pwesto ng mga negosyo lalo na’t nakasanayan na itong puntahan ng mga tao.

“Malamang yung pwesto napamahal na sa nanay ni Juliana kaya ayaw na lumipat. Bukod sa panigurado na may kita ang nanay nya dahil ang pwesto ay maganda mababa pa ang upa. Mga ganyang pwesto ang mas dinarayo ng mga tao dahil pang masa,” wika ni netizen Lorebel.

Facebook Comments Box