Netizens, napahanga sa dance moves ni Vhong Navarro sa gitna ng pagbasura ng Korte sa kasong isinampa laban sa kanya

Nag-viral sa social media ang television host na si Vhong Navarro matapos ibasura ng Korte Suprema ang mga isinampang kaso laban sa kanya ng aktres na si Deniece Cornejo.

Sa nasabing desisyon ng Korte Suprema ay binaliktad ang nauna ng desisyon ng Court of Appeals na naging dahilan upang mabuhay muli ang kasong isinampa ni Deniece.

Naging dahilan ang nasabing desisyon upang sumuko si Vhong sa NBI at manatili sa kustodiya nila ng ilang buwan bago ito ilipat sa BJMP.

Saglit lamang namalagi si Vhong sa BJMP dahil sa pinayagan siya ng korte na magpiyansa sa halagang isang milyong piso.

Sa gitna ng desisyon ay makikita naman na naging usap-usapan din ang video ni Vhong habang ipinapakita nito ang kanyang galing sa pagsayaw.

Makikita na puro papuri ang nakuha ng television host mula sa kanyang mga fans.

@vhongx44

Hey 👋

♬ Say Hey – Fresh糖糖♡🦋

 

Ang ilan dito ay hindi rin napigilan na batiin si Vhong dahil sa nalagpasan na nito ang pinakamalaking pagsubok sa kanyang buhay.

“Lakas mo talaga lods, idol talaga sa sayawan,” ani netizen Crane.

“It’s so nice to see you back doing what yo do best,” komento ni netizen Marielle

“Congratulations, justice prevail,” sabi naman ni netizen Tania.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Vhong sa nasabing desisyon ng korte.

Facebook Comments Box