Netizens sinisi ang ina ng apat na bata sa Cavite: “Bakit mo sa lalaki iniwan ang mga anak mo”

Hindi maitago ng mga netizens ang pangigigil sa Overseas Filipino Worker (OFW) na ina ng apat na batang nasawi nitong Marso 9 sa Cavite.

Matatandaan na tinapos ng live-in partner ng OFW ang buhay ng apat na bata na nakilalang sina Maria, 14; Bianca, 10; Joy, 8; at Conrad, 6 — na pawang residente ng Barangay Cabuco, Trece Martires Ciry.

Ang suspek na si Felimon Galisangga Escalona ay nakita ring wala ng buhay ng mga otoridad.

Labis labis naman ang pagdadalamhati ng ina ng mga bata na si Virginia Dela Pena sa nangyari sa kanyang apat na anak.

https://www.facebook.com/abscbnNEWS/videos/557680986339538/?vh=e

Ayon sa OFW ay dalawang buwan pa lamang silang magkarelasyon ni Felimon at pinagkatiwala niya ang mga bata sa suspek.

Ngunit hindi rin naka iwas si Dela Pena sa pambabatikos ng mga netizens at tinanong ito kung bakit iniwan niya ang mga bata sa kanyang karelasyon at hindi sa kanyang mga kamag-anak.

“Hay nako awan ko ba kung bakit kay langan pang ng karilasyon ng ibang babae kahit may mga anak na..tapus buong pag kakatiwala pa mga anak .susmaryosep talaga .ikaw din ina ang may kasalanan…kung bakit nawala mga anak mu…tapus iiyak iyak ka..wala ng magagawa luha mu kahit habang buhay kang mag iiyak..hnd na maiibalik kahit isa sa kanila…wala kang kuwenta.” komento ni netizen Junalyn.

“Kasalanan din ng nanay nila yan.. ikaw ba nmn 2months? palang nag sasama tsaka sa social media? mo pa pala nakilala.. tapos biglang pinag katiwala mo na agad sa live in partner mo mga anak mo..” sabi ni netizen JC.

“Ikaw na ina mismo ang ng lagay sa anak m sa kapahamakan,lalakeng sa social media mo lng nakilala nagawa m ipagkatiwla ang apat mong mga anak mga babae pa.sa daming nangyayari ngaun dka manlang nakapag isip n baka d safe ang mga anak mo.” pahayag naman ni netizen Corazon.

Sa ngayon ay nakauwi na sa Pilipinas si Dela Pena.

Facebook Comments Box