Pulubi na kumikita ng P45,000 kada buwan sa pamamalimos, mas pinili na sa hotel nalang tumira

Isang pulubi ang nag-trending sa social media dahil sa laki ng kinikita nito na mataas pa sa sweldo ng karamihan sa mga trabahador na nagta-trabaho ng walo o higit pang oras para kumita.

Advertisement

Sa panayam ng content creator na si @chinita_2.0 kay ‘Kuya Jerry’ na isang namamalimos sa ilang lugar sa Kamaynilaan ipang tanungin kung paano nga ba namumuhay ang isang pulubi.

Ayon kay Jerry ay mayroon siyang trabaho noon sa Makati ngunit nawala ito noong 2021 na naging dahilan upang mawalan ito ng tirahan at ari-arian.

Kaya naman pinili na lamang niya na mamalimos at nalaman niya na mas malaki pala ang kita sa panghihingi ng pera sa kalye.

“P1,500 kada araw,” masayang pagbabahagi ni Jerry.

Ipinakita rin ni Jerry ang kanyang resibo mula sa hotel na kanyang tinitirhan araw araw.

Ayon sa kanya ay may natitira pang mga P29,000 sa kanya kada buwan dahil sa kakaunti lamang ang kanyang gastos at pangangailangan.

Hindi naman maitago ng mga netizens ang paghanga sa diskarte ni Jerry, ngunit may ilan ding bumatikos dito dahil sa tila pagyayabang niya sa kanyang kinikita na galing sa hingi.

Advertisement

“Kaya hindi sila dapat kinukunsinti. May kirot sa dibdib lalo na pagnakaka awa talaga yung tao pero sa isang banda tama nga ba talaga na bigyan sila?” sabi ni netizen Joseph .

“This is an eye opener na hindi lahat ng nanlilimos walang pera,” komento naman ni netizen Venus.

Ayon sa Anti-Mendicancy Law ay ipinagbabawal ang pamamalimos ng mga taong walang kakayahang pinansyal na tugunan ang kanilang pangangailangan ngunit kaya nitong magtrabaho para sa ikabubuhay nito. Ipinagbabawal din dito ang paggamit ng mga kabataan upang mamalimos para sa pera.

Advertisement

Ang sinumang mahuhuling namamalimos na nasa edad na maaaring mapanagot sa batas ay maaaring hulihin at pagmultahin sa batas.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang mga otoridad kung ano ang maaring mangyari kay Jerry.

Facebook Comments Box