Marami ang naapektuhan ng isinagawang tigil-pasada ng ilang grupo ng mga PUV operators at driver nitong nakaraang Lunes.
Kaya naman upang mabawasan ang epekto nito ay nagtulong tulong ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang matulungan ang mga commuter na makasakay at makapunta sa kanilang paroroonan.
Ngunit hindi maiwasan ng ilang netizens na magbigay ng kanilang reaksyon sa mga sasakyan na ginamit ng Bureau of Corrections (BuCor) upang mag-alok ng libreng sakay sa mga commuter.
Makikita kasi na kahit ang mga ginagamit na sasakyan para ilipat ang mga preso ay ginamit narin sa pagtulong sa mga mananakay.
Ayon sa ilang mananakay ay tinanggihan nila ang pagsakay sa nasabing mga mga sasakyan na pagmamay-ari ng BuCor dahil sa tila ay magmimistulan din silang preso sa loob.
Makikita sa post na ibinahagi ni dating Presidential Anti-Corruption Commission Greco Belgica na wala diumanong gustong sumakay sa mga bus ng BuCor.
Samantala ay ipinakita naman sa DZBB ang itsura ng loob ng nasabing mga sasakyan at masasabing malayo talaga ito sa pangkaraniwang mga bus.
Ayon sa opisyal ng BuCor ay maaring magsakay ng 40 na katao ang kanilang mga bus.
“Para ka rin na nasa loob ng kulungan pero magandang bersyon ito,” sabi ng mamamahayag sa DZBB.
Nagbigay din ng komento ang ilang netizens tungkol sa mga nasabing bus.
“Maglalakad na lang ako baka idretso pa ako nyan,” ani netizen Carlos.
“Libreng sakay na may libreng foods pa pagdating,” komento ni netizen RJ .