Lalaki na nanghahawa diumano ng HIV sa mga nakilala niya sa online dating apps, wanted sa social media

Isang lalaki ang pinaghahahanap ngayon ng kanyang mga nabiktima na diumano’y hinawahan niya ng HIV.

Advertisement

Ibinahagi ni netizen @Justice4Bros, isang nagpakilalang abogado ang ilang impormasyon tungkol sa lalaki na gumagamit diumano ng mga online dating apps upang makapambiktima ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

Itinago na lamang ng netizen sa pangalang “Josh” ang suspek at sinabi ng netizen na isa siya sa mga abogado ng biktima nito.

“PLEASE BEWARE OF THIS PERSON! “JOSH” NICKNAME NYA SA GRINDR AND OTHER APPS. WE ARE POSTING THIS EVERY MONTH IN HOPES THAT WE WILL BE ABLE TO TRACK AND STOP THIS PERSON. THE PHOTOS ARE WHAT HE USED TO SEND TO HIS VICTIMS IN SOCIAL MEDIA.” sabi ng abogado.

“Madami sa mga kapatid natin ang hinawaan nya ng HIV/Aids conciously at madami n sa atin ang naghahanap kung sino ang totoong pagkatao ng walang pusong tao na ito.

“Im in legal and a family friend ng isa sa mga nabiktima nya. Lets call the kid Russ as his nicknam his family was truly devastated with what happened. Matagal na sila naghahanap at di tumitigil ang grupo nmin n mahanap at masampahan sya ng reklamo.”

Advertisement

Ayon sa abogado ay pinili nilang itago muna sa publiko ang mukha ng suspek at ipinapakita lamang ito sa mga posibleng nabiktima ni ‘Josh’.

Hindi naman nagdalawang isip ang mga netizens na tulungan ang abogado na hanapin ang suspek.

Advertisement

Mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang panghahawa ng HIV kung alam ng akusado na mayroon siyang karamdaman.

Hindi naman basta basta maaring mapatunayan kung talaga bang sinadya nga bang manghawa ng akusado kaya’t mas mainam parin na maging maingat sa mga makikilala lalo na sa mga online dating apps.

Facebook Comments Box