Hindi maitago ng ilang netizens ang pagdismaya sa naging direksyon na tinatahak ngayon ng public service program na ‘Wish Ko Lang’.
Matatandaan na ilang dekada ng namamayagpag sa telebisyon ang nasabing programa na nakilala noon sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan.
Dati rati ay tungkol sa mga ‘good samaritan’ at sa pagiging matulungin ang nagiging tema ng programa na naging parte narin ng kabataan ng ilang mga netizens.
Ngunit nitong mga nakaraang buwan ay tila nagbabago na ang mga ipinapalabas ng Wish Ko Lang matapos itong mag-shift sa pagiging drama anthology kung saan ay hinahaluan na ng pag-arte ang buhay ng kanilang mga tinutulungan.
Ilang netizens ang inilabas ang pagkadismaya nila sa nasabing public service program kung saan kinuwestiyon nila kung tumutupad parin ba ng ‘wish’ ang Wish Ko Lang.
“Gone are the days that Wish Ko Lang is a full on public service wish-granting show. Ngayon, mag iisip na tayo kung nasaan ang wish sa episode na to,” wika ni netizen @fischldiokno.
Inalala pa ng ilang netizen kung paano dinadala ni Vicky Morales ang tulong sa mga taong kanilang itinatampok sa programa.
“Ang tanda ko na talaga. Nung panahon ko namimigay ng scholarship at pangkabuhayan showcase with free dental checkup si vicki morales sa wish ko lang eh. Anyare na ngayon,” ani netizen @gonegirlx.
“Tbh, namiss ko yung unang versions ng Wish Ko Lang. More on kuwentuhan na direkta agad sa letter-sender tapos wish agad. Hindi masyadong nagre-reenactment to the point na very Vivamax.” komento naman ni netizen @iamthatcomplex.