Inumpisahan na ng Department of Education (DepEd) ang kanilang imbestigasyon sa isang guro na suma-sideline bilang isang vlogger matapos nitong ipahiya ang kanyang mga estudyante.
Matatandaan na nitong Pebrero 8 ay nag-umpisang mag-viral ang guro na nakilala lamang bilang si @laagangteacher kung saan ay makikita ang kanyang pamimilit sa dalawa niyang estudyante na umamin na sa kanilang ginawang pandaraya.
Maririnig din sa nasabing video na ilang beses pinangalanan ng guro ang kanyang dalawang estudyante at sinabi pa nito na pupunitin niya ang answer sheet ng mga ito kung hindi aamin.
Hindi naman napatunayan na nandaya nga ang mga estudyante dahil sa hindi naman magkaparehas ng score ang dalawa.
Sa huli ay umamin parin ang mga estudyante na sila ay nandaya at pinakuha na lamang muli ng isang exam.
Ngunit imbis na ikatuwa ng mga netizens ang tila pagbibigay ng ikalawang pagkakataon ng guro sa kanyang mga estudyante ay inulan pa ito ng batikos dahil sa pamamahiya nitong ginawa.
Ayon sa DepEd Region 7 director alustiano Jimenez ay inatasan niya na ang kanilang mga kasamahan na imbestigahan ang guro.
Nakumpirma na sa Cebu City naninirahan ang nasabing guro na wala paring pahayag hanggang sa ngayon.
Kung mapatunayan ay maaring maparusahan ang nasabing guro sa kanyang nagawa at maaring mauwi ito sa suspensyon.
Samantala ay isang guro naman ang nagbigay ng kanyang komento sa nangyari at ayon sa kanya ay maaring maparusahan si @laagangteacher sa kanyang ginawa.
Paglabag diumano sa BP 232 (Education Act) at RA 10173 (Data Privacy Law) ang ginawa ng guro at maaring sumuway din ito sa RA 7610 at RA 10175 dahil sa pamamahiya ng guro sa mga estudyante.
“Prudence is important, above all things, when posting online. Lets us not sacrifice our values, risk our professions and reputation (as well as that of others, simply for the sake of content (as well as the consequent popularity, and income)” teacher Je Mich said.
“Let us always be kind, and mindful of the feelings of the people around us. We have so many troubles and anxieties simply because we don’t care about each other.” she added.