‘Smiling Chef’ CZN Burak, di mapigilang umiyak dahil sa nangyari sa bansa niya

Kilalang kilala sa buong mundo ang Turkish celebrity chef na si CZN Burak dahil sa palagi niyang pagngiti habang siya ay nagluluto ng mga pagkain.

Ngunit nitong Pebrero 7, ang chef na kilala sa kanyang pagiging masayahin ay nakitang umiiyak sa unang pagkakataon ng mga netizens dahil sa nangyaring lindol sa Turkey na kumuha sa buhay ng libo libo niyang kababayan.

Sa kanyang video, makikita ang chef habang lumuluha at humihingi ng tulong sa mga netizens matapos ang nangyari sa kanyang bansa.

Nangako naman ito na ibubuhos niya ang kanyang panahon na tulungan ang mga apektado ng lindol.

Nangyari ang nasabing lindol noong Pebrero 6, 2023 kung saan ay umabot sa 7.8 magnitude ang lakas nito.

Sa ngayon ay umabot na sa 18,340 ang nasawi sa nasabing kalamidad.

“I’m here to help, to provide some solace to those who have lost everything. My heart breaks for these people, and all I want to do is help.” ayon sa kanya.

Sa ilang video sa kanyang social media ay makikita ang kanyang mga ipinapadalang pagkain sa mga apektadong lugar sa Turkey.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Burak Özdemir (@cznburak)

Pinuri naman niya ang mga netizens at mga kilalang personalidad na tumugon sa kanyang paghingi ng tulong.

Facebook Comments Box