‘Para iwas fake news!’ Willie Revillame asks the congress to pass a law against misinformation after being misled on social media

Hinimok ng television host na si Willie Revillame ang kongreso na magpasa na ng panukala na magpapatigil sa pagkakalat ng pekeng balita sa social media.

Matatandaan na isa si Revillame sa mga biktima ng pagkakalat ng maling balita sa social media matapos siyang ulanin ng batikos dahil sa putol na video na kumalat na kuha sa kanyang panayam kay dating presidential spokesperson Harry Roque.

Sa nasabing video na orihinal na kinunan noong 2020, tila pinapalabas na tinatawanan ni Revillame ang pagsasara ng ABS-CBN, ngunit kung papanoorin ang buong bersyon nito ay sinabi ng television host kay Roque na malapit sa puso niya ang ABS-CBN.

“Alam mo, Sec. Sec, malaki ang utang na loob ko sa istasyon na iyo. Dahil din doon ho ako nagsimula at doon ako nakilala. Nasa puso ko pa rin ’yan. Kapamilya, Kapatid, Kapuso, bawat Pilipino nandiyan.” ani Revillame.

Ngunit dahil sa libo libo na ang nakapanood ng putol na bersyon ng nasabing panayam ay maraming mga fans ng ABS-CBN at kahit ang ilang celebrities ay binatikos narin si Revillame.

Advertisement

Nitong February 8, hinimok ni Revillame ang kongreso na sana’y magkaroon ng batas na magpaparusa sa mga taong nagpapakalat ng mga maling impormasyon upang manira ng kapwa nila.

“Ito po ay lesson learned sa ating lahat,” ani Revillame. “Kung may nakikita po kayo na video na ine-edit at sinisraan ang kapwa nila ay sana sa kongreso at sa senado gumawa na kayo ng batas para mapanagot ang mga taong gumagawa nito.”

Advertisement

Matatandaan na ilang mambabatas na ang isinusulong ang nasabing panukala ngunit hindi pa malaman kung ito ay maipapasa dahil maaring maapektuhan ang freedom of the press sa bansa.

Mayroon naring mga naipasang batas na magpaparusa sa mga napapakalat ng mapanirang impormasyon sa kapwa.

Facebook Comments Box