Babae na nagpanggap na negosyante para makapanloko ng totoong mayayaman, himas rehas

Himas rehas ngayon ang isang 26-anyos na dalaga matapos nitong makapambiktima ng milyon milyong piso sa kanyang mga nakilala sa mga dating apps.

Advertisement

Sa ulat ng Taguig City Police, nahuli ang tinaguriang ‘Anna Delvey’ ng Pilipinas na si Mikaela Veronica Cabrera.

Si Anna Delvey ang sikat na con artist na nagpanggap na isang mayaman at tagapagmana ng isang bilyonaryo upang makapanloko ng mga totoong mayayaman sa Amerika.

Ayon sa mga naging biktima ni Cabrera ay ginagamit nito ang ilang dating apps at nagpanggap na isang mayamang negosyante upang makumbinsi ang kanyang mga nakikilalang kalalakihan na mag-invest sa kanyang kumpanya na ‘AUMA Fashion Styling’.

Pagkatapos niyang makuha ang pera ng kanyang mga naloloko ay hindi na ito magpapakita sa kanila kapag nag-umpisa na siyang singilin ng mga ito.

Nagbigay rin diumano ito ng mga cheke ngunit tumalbog rin ang mga ito.

Dahil dito ay napilitan na ang ilang biktima na magsampa ng kaso.

Aabot diumano sa P25-M ang nakulimbat ni Cabrera sa kanyang mga nakilala.

Ang isa sa mga biktima ay umabot ng P10-M ang naipamigay sa dalaga dahil nadala ito sa pagiging malambing nito.

Advertisement

Nagpapaawa rin diumano ito dahil sa nalulugi na daw ang kanyang negosyo.

“I ended up lending her more. I ended up borrowing from friends also. I pawned off my car,” ani Ian Tan, isa sa mag biktima.

Sa ngayon ay humaharap sa kasong paglabag sa Bounching Chek Law ang dalaga.

Nahuli sa kanyang tinitirhan na condominium unit si Cabrera.

Sa ulat ng When In Manila, sinabi ni Cabrera na itinatag niya ang AUMA para mabigyan ng pagkakataon ang mga tao na madiskubre ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pananamit.

Advertisement

 “Auma is the combination of two people’s names who meant a lot to me. I guess you can say that Auma came from love and it’s my passion and love for style and fashion that will always sustain it.” aniya.

 

 

Facebook Comments Box