Bigay-todong acting ng dalawang estudyante sa kanilang proyekto, agaw atensyon sa netizens

Magkahalong paghanga at pagkatuwa ang naramdaman ng ilang netizens matapos nilang mapanood ang bigay-todong pag-arte ng dalawang estudyante para sa kanilang proyekto.

Ibinahagi ang video ni netizen Mary Joy Pelegrino Yruma kung saan makikita ang dalawang estudyante habang ginagawa nila ang isang ‘reenactment’ ng isang eksena sa pelikulang noong 2017 na “My Ex and Whys” nila Enrique Gil at Liza Soberano.

Marami ang ikinatuwa ang nasabing eksena dahil sa ilang taon din na hindi nakagawa ng face-to-face activities ang mga estudyante at ngayon pa lamang sila nagkakaroon ng pagkakataon na makasama ang isa’t isa.

Sa nasabing video ay kitang kita ang performance ng dalawang magkapares habang ginagawa ang kanilang pag-arte sa harap ng kanilang mga kaklase.

Makikita rin na totoo ang ginawang sampal ng babae sa kanyang kagrupong lalake.

Hindi naman maitago ng kanilang mga kaklase ang humanga at kiligin dahil sa tila chemistry sa pagitan ng dalawa.

Ilang netizens din ang nagbigay ng kanilang komento sa kanilang napanood.

Umaasa sila na mabibigyan ng mataas na grado ang dalawa dahil sa ibinigay nila ang lahat sa kanilang pag-arte.

May ilan din ang hindi naiwasan magbiro na maaring nang sumabak sa showbiz ang dalawa.

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 170,000 views ang nasabing video.

 

Facebook Comments Box