Arnold Clavio di natuwa sa pambabastos ni Alex Gonzaga: “Walang lugar ang panlalait”

Hindi natuwa ang beteranong mamamahayag na si Arnold Clavio kay Alex Gonzaga matapos makita ang aktres na pahiran ng cake ang isang waiter sa kanyang birthday party.

Nakilala ang waiter na si Allan Crisostomo na nagta-trabaho sa isang catering service na suki ng pamilya Gonzaga.

Sa kanyang post sa social media, sinabi ni Clavio na nagtrabaho siya noon bilang waiter kaya’t alam niya kung gaano karangal ang nasabing trabaho.

“Mga ‘iGan , hindi ako natawa at hindi rin ako natuwa sa inasal ng aktres na si Alex Gonzaga sa isang waiter noong birthday party niya . Aaminin ko , nasaktan ako .” sabi ng mamamahayag.

“Walang lugar na ipahiya mo ang isang tao sa publiko kilala mo man ito o hindi. Ang biruang ganyan ay ginagawa ng magkakakilala o magkakaibigan pero hindi sa isang nilalang hindi mo naman kakilala.” dagdag pa niya.

Matapos ang ilang araw ay ikinatuwa naman ng mamamahayag ang paghingi ng tawad ni Alex.

Hiling nito na sana’y sa paghingi ng tawad ni Alex ay matapos na ang isyu ngunit dapat ay madala parin ng aktres ang kanyang natutunan sa mga batikos na kanyang natanggap.

“Maraming salamat kay Ms. Gonzaga sa pag-amin sa kanyang pagkakamali at sa pagpapakumbaba na personal na humingi ng paumanhin kay Crisostomo.” ani Arnold.

“Sa ngayon na natapos na sa kapatawaran ang lahat , baunin natin saan man tayo magpunta – ang mabuting pakikitungo at respeto sa kapwa , anuman ang antas niya sa buhay . Walang lugar ang panlalait , pagpapahiya at pagmamaliit ng iba .” dagdag pa niya.

 

Facebook Comments Box