Binanatan ng komedyante at vlogger na si Ethel Booba ang mga kritiko ng Manila Bay rehabilitation project.
Matatandaan na inulan ng batikos ang kontrobersiyal na proyekto ng gobyerno dahil sa paglalagay nito ng artificial white sand na gawa sa dinurog na dolomite sa nasabing tourist spot.
Isa si Ethel sa mga nagtanggol sa nasabing proyekto at ipinakita pa nito kung paano binista ng mga ibon ang artificial beach para magpahinga.
Ayon sa kanya ay ang mga ibon at iba pang hayop na napadpad sa artificial beach ng Manila Bay ay tila masaya, malayong malayo sa reaksyon ng mga kritiko ng gobyerno na hanggang ngayon ay binabatikos ang proyekto.
“O buti pa mga ibon hayop sila mukhang masaya sa nangyayari. Eh etong mga ewan bat parang di masaya eh asal hayop din naman sila. Ano masasabi nyo mga bashers for hire. Happy?” ani Booba.
O buti pa mga ibon hayop sila mukhang masaya sa nangyayari. Eh etong mga ewan bat parang di masaya eh asal hayop din naman sila. Ano masasabi nyo mga bashers for hire. Happy? 😊 https://t.co/RhnyiC8Pwh
— Ethel Booba (@EthelBooba6) September 19, 2020
Binanatan din nito si Vice President Leni Robredo at hinamon pa ito na ihanda ang kanyang depensa sa mga banat ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kahapon ay binatikos ng Pangulo si Robredo dahil narin sa pagiging aktibo nito sa pagkwestiyon sa mga prayoridad ng gobyerno katulad ng pagpapaganda sa Manila Bay.
“Wala nang pa tumpik tumpik. Ano masasabi nyo rito dilawan. At madam leni. Ihanda ang suhestyon at depensa. Iba ang nagmamagaling sa may alam? Happy?” ani Booba.
Wala nang pa tumpik tumpik. Ano masasabi nyo rito dilawan. At madam leni. Ihanda ang suhestyon at depensa. Iba ang nagmamagaling sa may alam? Happy? 😊 pic.twitter.com/R5F4gybaaF
— Ethel Booba (@EthelBooba6) September 22, 2020
Akala noon ng marami ay isa rin sa mga kritiko ng gobyerno si Ethel Booba ngunit ilang buwan na ang nakakaraan ay sinabi niyang may gumagamit lang ng pangalan niya sa social media.