Jimuel Pacquiao, itinanggi nagbigay sila ng ayuda sa kanyang ex-girlfriend na si Heaven Peralejo

474

Mariing itinanggi ni Jimuel Pacquiao ang mga balita na humingi ang kanyang ex-girlfriend na si Heaven Peralejo ng tulong pinansiyal mula sa kanyang pamilya.

Sa isang Instagram story ay sinabi ni Pacquiao na hindi totoo ang isinulat ng beteranong showbiz writer na si Lolit Solis tungkol sa kanyang dating nobya na si Peralejo.

“There was no money given and there was no communication. We keep getting involved in these issues and I just want to clear things up. She is not that type of girl and we are in good terms so no need for all the bashing,” saad ni Jimuel.

screenshot from Jimuel Pacquiao’s Instagram story.

Matatandaan na inilabas ni Solis ang nasabing balita kung saan ay kinausap daw ni Heaven si Senador Manny Pacquiao tungkol sa ayuda.

“May balitang humingi daw ng tulong si Heaven Peralejo kay Champ Manny Pacquiao Salve. Dating BF ni Heaven ang anak na lalaki ni Champ Manny kaya at least magka kilala sila, pero ang hindi maganda at baka malagyan ng malisya iyon kay Champ Manny nag text si Heaven,” ani Solis.

Tumulong naman agad daw ang pamilya Pacquiao at mismong nanay daw ni Jimuel na si Jinkee ang nagbigay ng 100,000 pesos kay Heaven.

“Napakabait naman ni Mama Jinkee dahil binigyan niya ng 100k financial na tulong si Heaven. Sa panahon ngayon talagang dapat lang na pag medyo kilala mo at maaring makatulong sa iyo, lapitan mo,” saad niya.

Nagbigay naman ng mungkahi si Solis kay Heaven at sinabing dapat ay kay Jinkee na lamang siya manghingi ng tulong at huwag kay Manny upang maiwasan ang pagkakaroon ng “malisya”.

“Dapat talagang magpasalamat ni Heaven kay mama Jinkee, bongga ha, 100k agad ang padala,” dagdag pa niya.

Noong 2019 at itinaggi na ni Heaven ang mga paratang na siya ay isang “gold digger” at sinabing wala siyang nakuhang pera kay Jimuel.

“I mean, I don’t get money from him. OK, I have work. Hindi ko naman siya tatay para kunan ng pera,” ani Heaven.

Facebook Comments