Dating konsehal ng Ozamiz City na si Ardot Parojinog natagpuang walang buhay sa loob ng kanyang kulungan

Ikinagulat ng mga netizen ang balita tungkol sa nangyari sa dating konsehal ng Ozamiz City na si Ricardo “Ardot” Parojinog matapos itong matagpuang walang buhay sa loob mismo ng kanyang selda.

Advertisement

Sa isang panayam, sinabi ni Philippine National Police chief Camilo Cascolan na wala silang nakitang palatandaan na may nangyaring gulo sa loob ng selda ni Parojinog bago siya pumanaw.

Ngunit upang malinawan ang lahat ay naglunsad sila ng imbestigasyon upang malaman kung sinadya ba ang nangyari kay Parojinog.

Si Parojinog ay nakakulong sa Ozamiz Police Station.

Maalala na si Ardot ang kapatid ng dating alkalde ng Ozamiz na si Reynaldo Parojinog Sr. na nasawi sa operasyon ng pulis na pinamunuan noon ni dating Ozamiz PNP Chief Jovie Espenido.

Isa naman si Ardot sa mga pinalad na hindi nakasama sa nasabing raid at nakatakas ito sa kanilang lugar.

Advertisement

Nagbigay ng P5-M pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte sa taong makakapagturo sa kinarorooan ni Ardot at noong 2018 ay nalamang nasa Taiwan ito.

Pinaghihinalaan na sangkot si Ardot sa mga iligal na aktibidad katulad ng pagbebenta ng shabu.

Kilala ang mga Parojinog noon bilang pinaka makapangyarihang pamilya sa Ozamiz at kahit ang mga pulis doon ay diumano’y takot sa kanila.

Advertisement

May mga akusasyon na pinapaslang ng mga Parojinog ang mga pulis na nagbabalak noon na banggain ang kanilang iligal na mga negosyo.

Itinuring namang bayani si Espenido ng mga netizens dahil sa ginawa niyang pagtapos sa paghahari ng mga Parojinog sa Ozamiz at itinulak pa nga itong tumakbo bilang alkalde ng nasabing siyudad.

Facebook Comments Box