Isang guro na naka base ngayon sa Taiwan ang nananawagan sa gobyerno na tanggalan ng lisensya ang kapwa niya maestra na nag post ng edited na litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Chini Huang, kahit siya ay hindi inaakala na may mga taong katulad ng guro na nakilala na si Laarni Villaluz na kayang babuyin ang litrato ng Pangulo habang nagbibigay respeto sa mga biktima ng pambobomba sa Jolo.
Pinaalalahan ni Huang si Villaluz na ang mga gurong katulad nila ay may sinumpaang tungkulin at may sunusunod na “code of ethics” upang maging magandang halimbawa sila sa kanilang mga estudyante.
Ngunit sinabi ni Huang na ang ginawa ni Villaluz ay nakakahiya lalong lalo na sa kanyang mga estudyante.
“Ako po ay isang professional and licensed teacher. I’m a graduate of Bachelor of Secondary Education, Major in Social Science. Alam po natin na mayroon tayong code of ethics bago tayo manumpa at mabigyan ng lisensiya… Ginawang mong baboy ang Presidente. Ano na lang ang sasabihin ng mga estudyante mo,” ani Huang.
Tinawag ni Huang ang atensyon ng Professional Regulatory Commission (PRC) para bigyan nila ng aksyon ang ginawa ni Villaluz na humingi na ng tawad sa kanyang ginawa.
Kung ayaw naman ni Villaluz sa gobyerno ay nararapat lamang diumanong isauli niya ang kanyang lisensya.
“Shout out sa Professional Regulatory Commission (PRC), sana pansinin nila ito. Hindi dapat pamarisan ang ganyang klase ng teacher. Me as a professional and licensed teacher, hindi ko makakalimutan ang ganitong klaseng ginagawa ng guro sa social media. Paano na kapag nalaman ng mga estudyante ang ginagawa niya, wala na tayong rason pa na pagbawalan ang mga bata. Dahil tayo mismong guro ay gumagawa ng hindi karapat-dapat,” saad niya.
“So ang problema mo ay ayaw sa Presidente pero professional ka. Ang nagbigay ng lisensiya mo ay gobyerno. So kung ayaw mo, dapat ay isauli mo ang lisensiya mo. Oh di kaya ay makita itong PRC at tanggalin ang lisensiya mo,” dagdag pa niya.
Kahapon lamang ay inulan ng batikos ang nasabing guro dahil sa tila ginawa niyang aso si Pangulong Duterte sa kanyang litratong ipinakita sa social media.
“Sino po may voucher from Pedigree? Baka po pwede makahingi. New user,” ani Villaluz.
Ilang oras matapos niyang maranasan ang galit ng mga netizen ay humingi ito ng tawad gamit ang bagong account at nagmakaawa na huwag ng idamay ang kanyang pamilya, kaibigan at trabaho sa galit nila sa kanya.
“First of, I want to apologize to our President for inappropriately posting the said meme in a specific group. I am humbly asking for your acceptance of my apology, Mr. President. I know this has caused too much and too bad. I am really sorry po at hindi po ako nag isip. This was literally a hundred percent sign of disrespect. I am really sorry po,” saad ni Villaluz.