Sarah Balabagan itinanggi na ‘kamukhang kamukha’ ni Arnold Clavio ang anak nila

20982

Mariing itinanggi ni Sarah Balabagan ang mga balita na ‘kamukhang kamukha daw ni Arnold Clavio ang kanilang anak na si Arah.

Sa isang panayam ay ikinuwento ni Balabagan kung paano niya itinago ang kanyang anak sa publiko upang maitago ang naging relasyon niya noon kay Clavio.

Ayon sa kanya ay may mga punto na hindi niya pwedeng basta basta ilabas ang kanyang panganay na si Arah dahil baka mapagdudahan siya ng mga tao.

Itinanong naman ni Atty. Bruce Rivera na siyang nag interview kay Balabagan kung totoo ba ang balita na kamukhang kamukha ni Clavio ang kanilang panganay na si Arah.

“Kamukhang kamukha daw [ni Clavio] kaya daw hindi mo pwedeng i-deny,” ani Rivera.

Ngunit itinanggi ito ni Balabagan at sinabing may mga namana naman daw ang bata sa kanyang ina.

“Hindi naman… atleast hindi kamukha sa mata,” sagot ni Balabagan.

Kahit hanggang ngayon ay kaunti lang ang nakakaalam sa tunay na itsura ng anak ni Balabagan at Clavio.

Naranasan din daw ni Balabagan na hindi makita ang kaniyang anak dahil narin sa itinatago ito sa publiko.

Noong nakutuban niya na itinatago sa kanya ang kanyang anak ay gumawa ito ng aksyon katulad ng pagpapaunlak ng panayam para ikwento ang tungkol sa kanyang anak ngunit hindi ito pinalabas.

Suspetsa ni Balabagan ay hawak ni Clavio ang mga nasabing istasyon.

Nagtatrabaho na daw ngayon sa Amerika si Arah.

Sa isang nakaraang panayam ay inilahad ni Balabagan na hindi basta basta maaring makita ni Arah ang kanyang ama ng walang permiso mula sa pamilya ni Clavio.

Wala rin daw silang contact number ni Clavio.

Umabot rin daw sa punto na akala ni Arah ay masamang tao ang kanyang ina dahil napapanood niya naman si Clavio sa TV at nakikitang mabait ito, mahal na mahal ng tao at mayroon pang sariling puppet.

17 anyos lang si Balabagan ng siya ay mabuntis ni Clavio na noo’y 32 anyos na.

Facebook Comments