Barangay captain na sinibak sa pwesto ang kanyang treasurer, nag resign

Hindi na nakayanan ng isang kapitan at tresurera ng isang barangay sa Dasmarinas Cavite ang kahihiyan na kanilang sinapit matapos silang mahuling gumagawa ng kahalayan sa gitna pa mismo ng isang online conference.

Advertisement

Ilang araw na ang nakakaraan ng masaksihan ng mga netizen ang ginawang kahalayan ni Barangay Fatima 2, chairman Jesus Estil at ng kanyang tresurera na kumare pa naman niya.

Ayon sa ilang ulat, hindi diumano alam ni Estil na bukas pa ang kanilang webcam bago nila gawin ni tresurera ang kahalayan.

Hindi naman makapaniwala ang mga miyembro ng Fatima Dos Village Council na siyang namuno ng online conference sa kanilang nakita.

Dahil sa kahihiyan na kanilang inabot ay kusa ng umalis sa pwesto si Kapitan Estil at ang tresurera.

Pero ayon sa Department of Interior and Local Government, hindi ligtas ang dalawa sa patong patong na reklamo.

“Ang daming viniolate niyan. Unang-una conduct unbecoming of an elected and appointed public official. Pangalawa, social distancing… ‘Yung criminal [case]. ‘Yung demanda ng asawa noong treasurer, tsaka ‘ yung demanda ng asawa ni kapitan,” ani Usec. Martin Dino.

Advertisement

“Mabuti na ‘yung ginawa ni kapitan, nag resign na siya agad. Pero hindi pa sila lusot sa accountability nila sa barangay,” dagdag pa nito.

Ayon sa section 2 ng  Republic Act 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees “It is the policy of the State to promote a high standard of ethics in public service. Public officials and employees shall at all times be accountable to the people and shall discharge their duties with utmost responsibility, integrity, competence, and loyalty, act with patriotism and justice, lead modest lives, and uphold public interest over personal interest.”

Lubos lubos naman daw ang pagsisisi nila kapitan sa kanilang ginawa.

Advertisement

Humingi rin ito ng pang unawa sa publiko.

Samantala, humingi naman ng kaunting pagkahabagan si Cavite Governor Jonvic Remulla sa publiko.

“What I am asking for is a little compassion… The humiliation alone is enough punishment for those involved. I will not lecture people about morality. Let those who are perfect in every way judge another’s act. Let those who have never sinned be the first to render opinion,” saad ni Remulla.

Facebook Comments Box