Mayor Inday Sara shares emotional story about her and President Duterte: “Kahit anong hirap ay tagumay akong nakapasa dahil kay Papa”

Davao City Mayor Inday Sara Duterte shared a lengthy story about her younger days and how her father, President Rodrigo Duterte helped her to survive law school.

Advertisement

In her Instagram post, Inday Sara said that while studying at Law School, she faced many difficulties that almost made her give up.

Instead of trying to contact her mother, Elizabeth Zimmerman, she decided to consult her father who’s a lawyer and Davao City Mayor during that time.

One time when Inday Sara called her father and started to cry, the latter started to panic and asked if she’s having problems because she’s pregnant.

However, Inday Sara suddenly laughed by the question of her father and clarified that the reason why she’s emotional is because of the difficulties in her studies.

Her father gave her advice saying that her tears would not make her pass the law school and encouraged her to read books.

Inday Sara revealed that her father cried when she passed the Bar Exam.

She thanked her father because of encouraging her to continue her studies and to avoid choosing the wrong path.

You can read the story below:

“Laging present si Papa sa tuwing may recognition day sa school. Ang gusto niya kasi, siya ang laging magsasabit ng mga ribbon at medalya ko. Paano ko ba makakalimutan ang lagi niyang pinapaalala sa akin nung bata pa ako. Para siyang sirang plakang paulit-ulit na sinasabing, “Mag-aral kang mabuti. Education is everything!”

Nuong third year ako sa law school, may isang gabi na gusto ko na talagang umiyak at magwala dahil sa sobrang hirap ng mga lessons. Kailangan ko ng mahihingahan. Ayoko namang tawagan si Mama dahil baka mag-alala lang siya.

Ang gusto ko talagang makausap ay isa ring abogado gaya ni Papa na makaka-relate sa mga himutok ko. Sa totoo lang, bihira kaming mag-usap ng heart to heart ng tatay ko. Para kaming aso’t pusa kapag nagtatalo. Kaya nai-imagine ko na ang hitsura niya nang abisuhan siya ng alalay niya para tawagan ako,

“Mayor, tumawag po kanina ang anak niyo. Gusto daw po kayong makausap?”

Bigla akong natigilan nang mag-ring ang cellphone ko. Nang marinig ko ang boses ni Papa, hindi ko na alam ang sasabihin ko. Hindi ako makapagsalita kaya umiyak na lang ako.
Ang unang tanong sa kin ni Papa, “Asan ka?”

Lalo akong napahagulgol sa pag-iyak. Nararamdaman kong nag-papanic na siya. Paulit-ulit niya akong tinatanong kung nasaan ba ako. Nung mga oras na iyon, iniisip ko na baka akala niya ay na-rape na ako.

Advertisement

Pero hindi pa rin ako huminto. Umiyak lang ako ng umiyak na parang isang naghihingalong aso.

Tahimik si Papa sa kabilang linya. Maya-maya pa ay muli na siyang nagtanong:
“Buntis ka?”

Nang marinig ko ang sinabi ni Papa ay bigla na akong natawa. Hindi ko na napigilang humalakhak nang humalakhak hanggang sa malapit na akong maubusan ng hininga.
Naisip ko na bakit ba ganun mag-isip ang mga lalaki. Kapag ba tumawag sa telepono ang babae nang umiiyak, buntis na agad?

Tawa pa rin ako ng tawa hanggang sa sinabi ni Papa, “Nabuang ka? Nababaliw ka na ba”

Siguro iniisip na niya nung mga oras na yun ay lango ako sa alak.

Sinubukan kong pigilan ang sarili ko. Huminto na ako sa pagtawa at nagsabi na ako ng totoo sa tatay ko.

“Pa, nahihirapan na ako sa law school,” ang sabi ko sa kanya.

Ramdam ko na ang inis sa boses ni Papa ng sabihin niyang, “ Nahihirapan ka na sa mga lessons mo? Hindi ka matutulungan ng mga luha mo. Basahin mo ang mga libro mo!”

Advertisement

Ang iyon ang dahilan kung bakit isang abogado na gaya ni Papa ang kinausap ko tungkol sa problema ko. Walang kyeme-kyeme. Walang bola bola. Isang direktang sagot na kailangan kong marinig para matauhan ako
Nang ibaba ko ang telepono, tumingin ako sa mga libro ko at sinabi ko sa sarili ko, “Tutal, napagkamalan naman akong nabuntis, iiyak na lang muna ako nang iiyak na parang nabuntis hanggang sa makatulog ako,”

At ganun na nga ang ginawa. Ibinuhos ko ang lahat ng luha ko nang gabing iyon. At kinabukasan, muli kong hinarap ang hamon ng aking pag-aaral.

Lumipas ang ilang taon. May nakapagsabi sa akin na napaluha daw si Papa nang pumasa ako sa Bar Exam. Sa tingin ko, napaiyak siya dahil mas magaling ako sa kanya at iyon ang isang tagumpay para sa kanya. Isa pa, marahil napaiyak si Papa dahil ako ang tropeo niya para siguruhin ang edukasyon ng susunod na henerasyon.

Bukod dito, marahil ay naluha siya sa galak dahil hindi ako napariwara. Hindi ako napabilang sa mga teenager na nabuntis at highschool dropout. Kahit anong hirap ay tagumpay akong nakapasa dahil sinunod ko ang payo ni Papa.”

The post was first published by Inday Sara in 2016 and recirculated on social media three years after.

 

Facebook Comments Box