Tila nangangamoy na talaga ang isang matinding demandahan sa pagitan ng mga opisyal ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE Inc.) at ng tatlong orihinal na host ng Eat Bulaga na sina Tito Sotto, Vic Sotto and Joey de Leon.
Matatandaan na matindi ang diskusyon sa kung sino nga ba ang may karapatan na gamitin ang titulo na ‘Eat Bulaga’ ngayong opisyal ng kumalas ang TVJ sa TAPE Inc.
Habang ang alam ng karamihan ay mismong si Joey de Leon ang nag-isip ng pangalang ‘Eat Bulaga’ ay tila hindi ito basta basta isusuko ng pamilya Jalosjos na siyang nagmamay-ari ng TAPE.
Ayon sa isa sa mga miyembro ng pamilya Jalosjos ay sila ang may karapatan na gamitin ang ‘Eat Bulaga’.
“Syempre, kami po ang nag-trademark niyan ‘nung 2011. And we also had another application 1991. So just the fact na walang iba na nag-oppose. None of them, none of the TVJs, No one oppose our filing for the trademark of Eat Bulaga, it just means to say na talagang it’s clear. The name stays with us, the company and with the incorporation. So hindi po talaga pwedeng madala po ‘yung Eat Bulaga” ani Jalosjos.
Sinabi pa ni Jalosjos na hindi na kailangan pang magkaroon ng demandahan dahil sa malinaw naman na sila ang may karapatan sa pangalan ng noontime show.
“Eat Bulaga is really TAPE. In fact ang kontrata ng GMA 7 is with TAPE Eat Bulaga. I don’t think it… we need a lawyer, it takes a lawyer to understand that we have been running for 44 years. Kahit ‘yung mga lolo at lola natin ngayon, alam na Eat Bulaga is really in GMA 7. And we will uphold the contract with them, and them as well. So talagang ‘yung show na ipapakita namin sa channel 7 will always be Eat Bulaga.” aniya.
Sa ngayon ay hindi pa nagsasalita si Joey tungkol sa nasabing isyu.
Ibinahagi din ni Joey sa gitna ng isyu kung paano niya nga ba naisip ang pangalang ‘Eat Bulaga’.
“Something came up sa aking utak in 1979 while having coffee sa kusina ni Tito sa White Plains. I was in the company of a certain Jess Espiritu. Hmmm, JESUS and HOLY SPIRIT? Salamat po,” ani Joey.
“And what do you do in a canteen? Of course, EAT! And that became my appetizer to help me through until I came up with a delicious title – Eat Bulaga!” he added.
Nitong nakaraang buwan ay kinuha na ng TVJ ang serbisyo ng isa sa mga pinakasikat na law firm sa Pilipinas upang asikasuhin ang gusot sa pagitan nila at ng TAPE.