Nangagalaiti sa galit ang alkalde ng Lapu Lapu City na si Junard Chan matapos nitong malaman na ang kanilang mga bagong pintura na pader ay na-vandal ng isang grupo.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Chan na hindi nito maisip kung bakit kailangan mag-vandal ng mga nasabing grupo sa mga bago nilang pinturang pader na parte ng pagpapaganda nila sa siyudad ng Lapu-Lapu.
Dahil dito ay nag-alok ng P30,000 ang alkalde para sa mga taong makakapagturo sa mga gumawa ng pambababoy sa kanilang pader.
“Bukas ang aming linya para sa makakapagturo sa nag-vandal sa mga bagong pinturang pader. Kung sino man ang makakapag-bigay ng impormasyon ay makakatanggap ng P30,000” ani Chan.
“Itong pader na ito ay bagong pintura lang pero ngayon ay madumi na ulit. Hindi ko maintindihan kung ano ang punto ng mga vandalist na ito at kung ano ang makukuha nila sa ginagawa nila.” dagdag pa niya.
Sa ngayon ay hindi pa mahanap ang mga salarin ngunit nagtutulong tulong na ang mga netizens upang matunton ito.
Suspetsa ng ilang netizen ay hindi lamang iisang tao ang nasa likod ng vandalism at maaring ginagawa ito ng isang grupo upang magpasikat.
Ngunit tila sisikat lalo ang nasabing grupo kapag sila ay nahuli na ng mga otoridad dahil posibleng iharap sa media ang mga ito.