Jormiel Labador, hiling na maghimas ng rehas ang grupong ‘Tukomi’: “No one is above the law”

Binatikos ng influencer na si Jormiel Labador, kapatid ng motivational speaker na si Rendon Labador ang grupong ‘Tukomi’ dahil sa prank nila na maaring magdala sa kanila sa loob ng selda.

Advertisement

Sa kanyang post, sinabi ni Jormiel na lubhang napakadelikado ng ginawang prank ng Tukomi kaya naman nararapat lamang na pagdusahan nila ang kanilang ginawa.

Matatandaan na nag-trending sa social media ang Tukomi dahil sa kanilang prank kung saan ay kunwaring dudukutin nila ang isa sa kanilang mga miyembro sa gitna ng napakadaming tao.

Sa kasamaang palad ay mayroon palang isang off-duty na pulis na nakita ang kanilang ginagawang prank kaya naman ay umaksyon ito upang pasukuin ang mga miyembro ng Tukomi.

Nakilala ang pulis na si Police Staff Sergeant Ronnie Conmigo na kalaunan ay nagsampa ng reklamo laban sa Tukomi upang hindi na ito gayahin pa ng iba pang influencer.

Ayon kay Jormiel ay delikado ang ginawang biro ng Tukomi.

Advertisement

“Dapat talaga to, kung sino man ang gumawa nito, sana makulong,” ani Jormiel.

Pinuri naman ni Jormiel ang pulis dahil sa ginawa nitong aksyon.

“Saludo po ako sa mga pulis na ginagawa ang kanilang serbisyo kahit na off-duty sila, good job sir, sana po ituloy ‘yung kaso mo sa kanila at makulong sila,” sabi niya pa.

May mensahe rin si Jormiel sa Tukomi.

Advertisement

“Sana pagdusahan niyo ‘yung ginawa niyo, sana makulong kayo. Doon lang tayo sa tama, kung ano ‘yung tama ipaglalaban natin. No one is above the law,” aniya.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang Tukomi sa mga banat sa kanila ni Jormiel.

Facebook Comments Box